PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO Eliminates Driver Medical Exams

Base sa datos, walang kinalaman sa car accidents ang periodic medical exam.
by Bernie V. Franco
Published Apr 18, 2023
LTO driver's license renewal center
Hindi na mandatory ang periodic medical exam o yung medical clearance para sa driver's license holders. Ang mandatory na lang ay ang medical clearance bago makuha ang renewal ng lisensiya.
PHOTO/S: LTO Office Ali Mall Cubao

Tinatanggal na ng Land Transportation Office (LTO) ang periodic medical examination na nire-require sa mga holders ng driver’s license na may validity ng five years at 10 years.

Para sa license holders na may five-year validity, required silang kumuha ng medical clearance sa kanilang pangatlong taon ng kaarawan mula nang ma-issue ang lisensya.

Required naman na kumuha ng medical clearance sa ika-apat na taon at ikapitong taon ng kanilang kaarawan ang may 10-year validity driver’s license.

Read:

Nakasaad ito sa LTO Memorandum Circular 2021-2285 o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10930.

Pero ipinag-utos ni LTO Chief Jay Art Tugade na alisin na ang periodic medical exams bilang requirement sa mga license holders.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng LTO na walang koneksiyon ang periodic medical examination sa vehicular accidents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani LTO Executive Director Giovanni Lopez sa report ng TV Patrol, “Ayon po sa datos namin, e, wala naman pong kaugnayan, direct connection, ang kabiguan ng driver’s license holder ng magkaroon ng periodic medical exam sa road crashes. Wala po.

“Ang usual reason for road crashes ay either nakainom, or under the influence of drugs…”

Hangad ng LTO na maging “easier, simpler, and more convenient to the public” kaya hindi na ire-require ang periodic medical exam.

“So iwas-gatos po ito sa ating mga kababayan," ani Lopez.

“Pangalawa wala na pong mga abala na kailangan mo pang mag-leave para lang po magkaroon ng another periodic medical exam.”

Gayunpaman, nilinaw ng LTO na mandatory pa rin ang kumuha ng medical clearance before o during the renewal ng lisensiya.

Ang mga kukuha ng lisensiya na may five- at 10-year validity ay required pa ring mag-present ng medical clearance 60 days before o kaya ay sa mismong date ng renewal ng lisensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang mga Pilipinong nagtatrabaho abroad na may driver’s license ay required na magsumite ng medical clearance sa loob ng 30 days mula nang dumating sila sa bansa bago sila makapag-drive sa bansa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na mandatory ang periodic medical exam o yung medical clearance para sa driver's license holders. Ang mandatory na lang ay ang medical clearance bago makuha ang renewal ng lisensiya.
PHOTO/S: LTO Office Ali Mall Cubao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results