Ang ligtas na kalsada para sa mga kabataan ay responsibilidad ng lahat.
Ito ang mensahe sa mga motorista ng ImagineLaw, isang pribadong grupo na ang krusada ay ang pagpapalaganap ng road safety.
Katuwang ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), nanawagan ang ImagineLaw sa mga motoristang Pilipino “to share the road and stop for children.”
Read also: Why LTO decides to scrap periodic medical exam for driver’s license holders
Nangyari ito sa Pista ng Kalusugan noong April 16, 2023, sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Dito ay hinikayat din ang mga motorista na igalang ang traffic rules, magmaneho sa itinakdang speed limit, at sundin ang road-safety policies para maiwasan ang mga aksidente na nagreresulta sa kamatayan, kung saan kadalasan ay mga bata ang nabibiktima.

“Hindi puwedeng hari-harian sa kalsada,” pahayag ni Daphne Marcelo, project manager for road safety ng ImagineLaw.
“We need to learn how to build a community and a road system that protect vulnerable road users, especially children.”
Ang Pista ng Kalusugan ay isang outdoor festival ng DOH na nagpapalaganap ng health and wellbeing ng bawat Pilipino.
Read also: Luis Manzano, netizens react to badminton game in middle of heavy traffic on NLEX
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 1,670 batang Pilipino ang namamatay sa aksidente sa mga daan kada taon.
Noong March 2023, isang limang taong gulang na bata ang namatay matapos masagasaan ng truck sa Taguig City.
Bumisita rin sa Pilipinas si United Nations (UN) Secretary General’s Special Envoy for Road Safety Jean Todt last April 13.

Ayon sa World Health Organization, ang Southeast Asia records ang ikalawa sa mga pinakamataas na road traffic fatality rate, kasunod ng Africa.
Ito ang dahilan kaya ang National Coalition for Child Road Traffic Injury Prevention, na suportado ng United Nations Children’s Fund, ay patuloy na nagsisikap na mabawasan ang mga aksidente sa mga kalsada sa Pilipinas para maiwasan na may masaktan o mamatay na bata.
Read also: Macoy Dubs pouting in new driver's license photo goes viral
Sa pamamagitan ng ImagineLaw, nagkaroon ng pagkakataon si Todt na makausap ang mga road-crash survivors, mga biktima, at kanilang pamilya.
Nanawagan naman si Todt na gawing ligtas ang mga kalsada para sa lahat, lalo na sa mga bata.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ImagineLaw sa mga local government units sa paglilikha at pagpapatupad ng road safety policies para mapangalagaan ang vulnerable road users.
Ayon kay Marcelo, “We need to work together in building a set of solutions to end this epidemic: safer driving behavior, better infrastructure for pedestrians, commuters, and drivers, and strict and sensible enforcement of traffic rules.”
Read also: LTO nagtakda ng standard fees para sa driving courses