PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO: Temp License as Receipt, Card Delays

Hanggang April na lang ang natitirang plastic cards.
by KC Cordero
Published Apr 21, 2023
Photo of driver license's OR
Ang kakapusan sa supply ng plastic cards para sa driver’s license ay resulta ng kautusan ng Department of Transportation noong January 2023 na lahat ng procurement na mas mataas sa PHP50 milyon ay dapat na isagawa ng central office. (Photos courtesy of LTO)

Papayagan ng Land Transportation Office (LTO) na magamit bilang pansamantalang driver’s license ang Official Receipt (OR) o ang resibo na ibinibigay kapag kumukuha ng lisensiya para sa pagmamaneho.

Ito ang hakbang ng LTO sa inaasahang kakulangan ng supply ng plastic card for driver's license.

Ipinabatid ito ni LTO Chief Jay Art Tugade sa media sa ginanap na pulong-balitaan noong April 20, 2023.

Meeting at LTO office

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Why LTO decides to scrap periodic medical exam for driver’s license holders

Ani Tugade, resulta ito ng department order na kanyang natanggap noong January na nagsasaad na lahat ng procurement na mas mataas sa PHP50 milyon ay dapat isagawa ng Department of Transportation (DOTr) central office.

Dahil hindi pa tapos ang proseso ng DOTr, inaasahang magkakaroon ng kakulangan ng plastic cards.

Kaya sa ilalim ng memorandum na inilabas ng LTO, sinabihan ang mga regional at district office na sakaling maubos na ang supply ay gagamitin muna ang Official Receipt bilang “Temporary Driver’s License.”

Read also: Biyudang lola sa Davao Del Sur, solo winner ng PHP35M sa Lotto 6/42

Pahayag ni Tugade, "Yung magre-renew ng kanilang driver's license, kung walang supply ng plastic cards doon sa opisina, bibigyan sila ng printout ng official receipt ng kanilang driver's license.”

Ang OR ay kailangang may kumpletong detalye, unique QR code, at may mga screenshot ng harap at likod ng driver’s license card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Art card of LTO's announcement

Read also: 1,670 batang Pilipino, nasasawi sa road accident kada taon

Inatasan din ang mga regional director ng LTO na mag-reallocate ng supply ng plastic cards sa kanilang mga nasasakupan kung kinakailangan.

Batay sa pinakahuling datos ng LTO, nasa 147,522 na lamang ang natitira at puwedeng magamit sa pag-iimprenta ng driver’s license.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posibleng maubos ang mga ito sa katapusan ng April.

“Kaya po agad na rin pong gumawa ng hakbang ang LTO para matugunan ang inaasahang kakapusan na ito,” ani Tugade.

Dagdag pa niya, “Nakipagpulong na rin ang LTO sa mga law enforcer tulad ng PNP Highway Patrol Group upang maipabatid sa kanila na kung manghuhuli ng mga lumalabag sa batas-trapiko ay tanggapin na rin kung OR lamang ang ipapakita ng motorista.”

Read also: Luis Manzano, netizens react to badminton game in middle of heavy traffic on NLEX

Mananatili ang panuntunan na ito hangga’t hindi nakakapag-imprenta ng plastic na driver’s license card.

Ani Tugade, “Sa sandaling magbigay na ng abiso ang DOTr na mayroon nang supply ng plastic cards, agad na naming pasisimulan ang pag-iimprenta ng driver’s license.”

Read also: VIRAL: Estudyanteng late sa klase, aba, nakasabay si Prof sa LRT!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kakapusan sa supply ng plastic cards para sa driver’s license ay resulta ng kautusan ng Department of Transportation noong January 2023 na lahat ng procurement na mas mataas sa PHP50 milyon ay dapat na isagawa ng central office. (Photos courtesy of LTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results