PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3-Year Validity for New Motorcycles

Epektibo simula Mayo 15, 2023
by KC Cordero
Published Apr 24, 2023
Photo of motorcycle
Sakop ng bagong kautusan ng Land Transportation Office ang mga bagong motorsiklo, malaki man o maliit ang makina. Pabor ito sa mga riders na ngayon pa lang bibili ng motorsiklo.

Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jayart Tugade ang pagpapatupad ng tatlong taon na validity ng rehistro ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Inianunsiyo ito ng LTO sa official Facebook account nito kahapon, April 23, 2023.

Epektibo ang memorandum sa Mayo 15 ng kasalukuyang taon.

Batay kasi sa kasalukuyang panuntunan alinsunod sa Republic Act 4136 at Republic Act 11032, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201cc pataas lamang ang may tatlong taon na bisa ng initial registration sa LTO.

Read also: LTO, kapos sa plastic cards; gagawing resibo muna ang temporary driver's license

Gayunpaman, kasunod ng ginawang pag-aaral ng ahensiya ay nagdesisyon si Tugade na gawin na ring tatlong taon ang bisa ng rehistro kahit sa mga motorsiklong may makina na 200cc pababa.

Photo of LTO chief

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Macoy Dubs pouting in new driver's license photo goes viral

"It is hereby directed that initial registration of brand-new motorcycles with engine displacement of 200cc and below shall be valid for three [3] years," saad ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395.

"It is understood that the MVUC to be collected during the initial registration shall likewise be adjusted to cover the corresponding registration validity period," ayon pa sa Memorandum.

Read also: LTO nagtakda ng standard fees para sa driving courses

Bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng LTO na naglalayong maging mabilis ang mga proseso at mapagaan ang mga transaksiyon ng publiko sa ahensiya.

"Hindi natin nakikita na magkakaroon ng problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan," ani Tugade.

Read also: Vehicle registration tapos in 10 minutes dahil sa LTO portal

"Naniniwala kami sa LTO na ang hakbang na ito ay makakatulong sa maraming drayber na nagpaparehistro ng bagong motorsiklo para magamit sa kanilang hanapbuhay o trabaho," dagdag pa ng opisyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pagbabatayan ang mga nakalipas na datos ng LTO, tinatayang dalawang milyon na bagong magpaparehistro ng motorsiklo na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiya na ito ngayong taon.

Photo of motorcycles

Read also: Influencer na ginawa ang ligo challenge habang sakay ng motorsiklo, natiklo

Pagtitiyak ni Tugade, "Patunay ito na nakikinig ang inyong LTO sa mga suhestiyon ng publiko na direktang nakikipagtransaksyon sa ahensya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Magpapatuloy po ang mga pag-aaral sa mga umiiral na polisiya at panuntunan at kung kailangang baguhin tungo sa ikagaganda ng sistema ay handa po kaming gawin ito."

Alinsunod na rin sa umiiral nang panuntunan para sa pagrerehistro ng iba pang mga sasakyan, matapos ang tatlong taon na bisa ng initial registration ay magiging kada taon na rin ang pagpaparehistro ng mga motorsiklong may makinang 200cc pababa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sakop ng bagong kautusan ng Land Transportation Office ang mga bagong motorsiklo, malaki man o maliit ang makina. Pabor ito sa mga riders na ngayon pa lang bibili ng motorsiklo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results