PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amazing and relaxing “cherry blossom-like views” sa Taguig City

Spring in Taguig!
by KC Cordero
Published Apr 24, 2023
Photos of pink trumpet tree
Spring in Taguig! Namumulaklak na ngayon ang mga puno ng pink trumpet na itinanim sa kahabaan ng C6 Road, Taguig City noong 2015. (Photos courtesy of I Love Taguig)

Ipinagmamalaki ngayon ng Taguig City ang pamumulaklak ng mga puno ng pink trumpet.

Nai-post ang naggagandahang larawan ng pink trumpet sa official Facebook page ng naturang lungsod nitong weekend, April 22, 2023.

Ayon sa caption, published as is: “It's like spring in Taguig!

“No need to fly to Japan to see cherry blossom-like views!

“Visit Laguna Lake Highway [C6 Road] and witness the trees explode with color!”

Read also: May Cherry Blossoms ang Pilipinas?

Photo of pink trumpet tree

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang iyong nalakbay?

Ang pagtatanim ng mga puno ng pink trumpet (scientific name: Tabebuia rosea) ay inisyatiba ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Sinimulang itanim ang mga puno noong 2015 sa center island at bike lanes ng C6 Road.

Ang City Environment and Natural Resources Office ang nangangalaga sa mga puno ng pink trumpets.

Read also: Tourism chief, pinakitang safe ang scuba diving sa Puerto Galera

Nakakaaliw pagmasdan ang mga bulaklak na kulay light pink at purplish pink.

Kabilang ang pink trumpets sa mga puno na mabilis lumaki.

Tumataas sila nang hanggang 30 meters.

Ang pinakapuno ay may diameter na 100 centimeters.

Photo of pink trumpet tree

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Vlogger dedma sa mga hindi pabor na mag-post ng travel photos sa social media

Buong taon namumulaklak ang print trumpet, pero naglalagas bago muling mag-berde ang mga dahon.

Pinakamaganda ang kondisyon nito at sobrang lusog tingnan mula January to April.

Ang variety ng pink trumpet na itinanim ng Taguig City ay angkop para maayos na mataniman ang buong 21 kilometrong haba ng center island, maging ang northbound and southbound bike lanes.

Dahil din sa pink trumpet, lumaki ang populasyon ng mga punongkahoy sa C6 Road, na isang paraan para masolusyunan ang polusyon sa bahaging iyon ng Taguig City.

Read also: 1,670 batang Pilipino, nasasawi sa road accident kada taon

Photo of pink trumpet tree flowers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”

Sa ganda ng mga namumukadkad na pink trumpet sa Taguig City, may mga netizens na nagmungkahi na sana ay maaalagaan ang mga iyon nang maayos.

Sana raw ay mataniman ang lahat ng center island ng lungsod.

Netizens' comments

Netizens' comments
Marami rin ang nagpasalamat sa local government ng Taguig sa effort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-amaze naman ang mga nakadaan na sa area at nakita ang naggagandahang mga bulaklak.

Anila, rnakaka-relax pagmasdan ang pink trumpet flowers. Parand postcard. Parang eksena sa pelikula.

Read also: Meet Ponsyana ng Pangasinan: office secretary na naging full-time vlogger

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spring in Taguig! Namumulaklak na ngayon ang mga puno ng pink trumpet na itinanim sa kahabaan ng C6 Road, Taguig City noong 2015. (Photos courtesy of I Love Taguig)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results