PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kuweba na ginawang coffee shop at inland resort, ipinasara

May-ari, maraming nilabag na environmental laws
by KC Cordero
Published May 4, 2023
Photos of Secret Peak Buda Cafe
Bukod sa paglabag sa environmental laws, wala rin umanong sapat na dokumento ang coffee shop at inland resort na nasa loob ng isang kuweba sa Davao City government. (Photos courtesy of PIA Davao)

Ipinasara ng National Bureau of Investigation (NBI-11) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Davao noong April 29, 2023, ang Secret Peak Buda Cafe.

Dati itong kuweba na ginawang coffee shop at inland resort sa Purok 11, Sitio Langub, Brgy. Baganihan, Marilog District, Davao City.

Ipinahinto ang operasyon nito sa bisa ng search warrant na inilabas ni Regional Trial Court Acting Executive Judge Rowena Apao-Adlawan.

Read also: Pagbiyahe ng mga turista papuntang Camotes Island, mas pinadali

Photo of Secret Peak Buda Cafe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of cave's entrance

Read also: El Nido tour guide, nagsauli ng napulot na wallet na may lamang PHP50K

Sa ginanap na press briefing matapos ang operasyon, sinabi ni NBI-11 Director Arcelito Albao na nilabag ng may-ari ng Secret Peak Buda Café ang Republic Act 9072 o ang "National Caves and Cave Resources Management and Protection Act.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Albao, “On Saturday [April 29], we implemented the search warrant issued by the court and when we arrived at the area, we found out that this cave was altered.

“We also found tables and chairs and other paraphernalia that showed the cave was defaced.”

Nasira ang natural na mukha ng kuweba, maging ang stalactites at stalagmites nito.

Natuklasan ding sinementuhan ang ilang bahagi ng kuweba, at nilagyan ng mga sofa, higaan, at iba pang kagamitan.

Read also: Quezon City underpass tampok ang makulay na art exhibit

Photo of Secret Peak Buda Cafe

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Amazing and relaxing “cherry blossom-like views” sa Taguig City

Ilang concerned citizens ang naghain ng reklamo laban sa ginawang paglabag ng may-ari ng naturang cave cafe and inland resort, ayon naman kay DENR-XI Regional Director Bagani Fidel Evasco.

Kaagad nagsagawa ang ahensiya ng monitoring at nakumpirma ang mga violations.

Batay sa datos ng DENR, ang lime stone formation ng kuweba ay 2.5 milyong taon na.

May lalim ito na 25 metro at taas na tatlong metro.

Bukod sa paglabag sa environmental law, wala rin umanong sapat na dokumento ang coffee shop mula sa lokal na pamahalaan ng Davao.

Nakatayo rin ito sa Indigenous Peoples’s ancestral domain.

Read also: Gaano karaming lugar na sa Pilipinas ang iyong nalakbay?

Photo of Secret Peak Buda Cafe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Tara na sa Mapanuepe Lake, ang “New Zealand ng Zambales”

Sasampahan ng kaso ang pamunuan ng Secret Peak Buda Cafe.

Isasailalim naman ang kuweba sa rehabilitasyon.

Ipinaalala ng NBI sa publiko na sa ilalim ng ating batas, ang mga kuweba at nilalaman nito ay pag-aari ng pamahalaan. Bahagi rin sila ng natural wealth ng bansa kaya hindi puwedeng pakialaman.

Itinakda rin ng ating batas na ang conservation ng mga ganitong likas-yaman ay ipinatutupad sa pamamagitan ng DENR bilang lead implementing agency, sa pakikipagtulungan ng iba pang lokal na ahensiya at organisasyon.

Read also: May Cherry Blossoms ang Pilipinas?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa paglabag sa environmental laws, wala rin umanong sapat na dokumento ang coffee shop at inland resort na nasa loob ng isang kuweba sa Davao City government. (Photos courtesy of PIA Davao)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results