PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PCSO may libreng PHP100 taya para sa May 17 draw ng Mega Lotto 6/45

Promo para sa 26th anniversary ng Mega Lotto 6/45
by KC Cordero
Published May 15, 2023
PCSO announcement
Ang PHP100 libreng tickets para sa May 17 draw ay bahagi ng pagdiriwang ng 26th anniversary ng larong Mega Lotto 6/45.

Bilang pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng pagsisimula ng larong Mega Lotto 6/45, magbibigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng PHP100.00 halaga ng libreng tickets sa ika-17 ng Mayo, 2023 para sa mga tumataya sa nasabing draw.

Inianunsiyo ito ng PCSO official Facebook account ngayong May 15, 2023.

Read also: Winner ng PHP16M lotto jackpot, gumamit ng System 8 sa pagtaya

Ipamamahagi ang “Regalong Ticket Para Kay PCSO Kalaro!” sa mga sumusunod:

  1. Sa unang 100 GENERAL PUBLIC LOTTO PLAYERS na bibili ng hindi bababa sa PHP20.00 Jackpot Bearing Game Tickets sa PCSO Games Hub na matatagpuan sa PCSO Main Office sa Mandaluyong.
  2. Sa unang 30 GENERAL PUBLIC LOTTO PLAYERS na bibili nang hindi bababa sa PHP20.00 Jackpot Bearing Game Tickets sa mga lotto outlets na matatagpuan sa PCSO Branch Offices sa buong bansa.

Read also: 2 Mindanaoans bagong milyonaryo dahil sa lotto

Ito rin ay isang paraan ng pagpapahalaga ng PCSO sa walang patid na suporta ng mga Pilipino sa mga laro ng PCSO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaalala naman ng PCSO na sakaling tumama sa lotto, para hindi ma-forfeit ang premyo, ang winner ay may isang taon mula sa petsa ng draw para i-claim ang napanalunan, ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 1169.

Read also: Sari-sari store owner sa Northern Samar, wagi ng PHP63.1M Super Lotto jackpot

Ang lahat ng lotto jackpot prizes ay kailangang sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City lang i-claim.

Para makuha ang napanalunan, dapat isulat ng winner ang pangalan nito sa likod ng winning ticket at pirmahan.

Kailangan ding magpakita ng dalawang government-issued IDs.

Read also: Mag-ama wagi ng PHP11M sa MegaLotto 6/45. “Sabi ko tig-isa tayo. Kapag tumama, hati tayo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang PHP100 libreng tickets para sa May 17 draw ay bahagi ng pagdiriwang ng 26th anniversary ng larong Mega Lotto 6/45.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results