Ready na for road testing sa Bacolod City ang electric jeepney o e-jeepney na gawa ng China-based Jiangsu Fengchuen New Energy Power Technology Co. Ltd.
Sinabi ni Mayor Alfredo Abelardo Benitez noong May 15, 2023, na dalawang units pa ang darating para masubukan ng local transport operators.
Aalamin din kung akma ang e-jeepney na gawang China para sa public transportation ng mga taga-Bacolod.
Read also: Jeepney driver finds silver lining in esports after losing livelihood this pandemic

Read also: Mangingisda sa Occidental Mindoro, pinapak ng tiger sharks
Ayon kay Benitez, “The plan is for it to be tested first to see if it is viable, if it is feasible. Our operators will see if it is a better alternative.
“They will send samples here. This is the first one that has arrived.”
Ang disenyo ng e-jeepney mula China ay kahawig ng tradisyunal na Pinoy dyipni para mapanatili ang cultural identity ng Filipino public transport.
Binanggit ni Benitez na ang pintuan ng e-jeepney ay nasa likod nito sa halip na sa gilid para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kapag sumasakay at bumababa.
Read also: Planong phaseout ng traditional jeepneys, gustong ipagpaliban ng ilang senador

Read also: Jeepney costume ni Mark Avendano sa 8th Mister Global, wagi!
“That is one of the observations that we will communicate to the manufacturer.
“We hope to have a perfect sample and we can see the innovation and refinement in the vehicle, and we will come up with something that will be used by the city.”
Ang naturang e-jeepney ay kayang magsakay ng 20 hanggang 22 pasahero.
Ang presyo nito ay mababa sa PHP2 million kada unit—na higit na mababa kumpara sa PHP2.6 million hanggang PHP2.9 million na presyo ng modern jeepneys na pumapasada ngayon sa Bacolod City.
Read also: "Bahay Jeep” ni Francis Amoroso, buong Pilipinas ang biyahe
Ayon kay Benitez, nakikipagnegosasyon ang lungsod sa manufacturer para mabili ang unit ng mababa sa PHP2 million.
Puwedeng i-charge ang makina ng e-jeepney sa loob ng isang oras kung nasa fast charging mode, at pitong oras naman kung slow charging mode.
Kada charge ay tatagal ng hanggang 120 kilometro ng biyahe.
Last February 2023 ay nagpahayag ang City Council ng Bacolod ng suporta sa proposal ng Jiangsu Fengchuen New Energy Power Technology Co. Ltd. na maging partner para sa pagtatayo ng e-jeepney assembly plant sa lungsod.
Read also: Sakay na kay Jeepito, ang world’s smallest jeepney!

Read also: Jeepney driver niyo noon, college graduate na ngayon
Itinakda rin ng City Council na magsumite ang Chinese company ng kopya ng general information sheet, o ng dokumento na nag-aawtorisa sa chairman ng kumpanya na si Li Longde para pumasok sa isang memorandum of understanding (MOU) sa Bacolod City government bago ito ratipikahan ng City Council.
Unang nakaharap ni Benitez ang mga opisyal ng Jiangsu Fengchuen New Energy Power Technology Co. Ltd. nang makasama ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state visit sa Beijing noong January.
Plano ng Chinese e-jeepney manufacturer na mamuhunan ng US$200 million (PHP 11,236,300,000.00) para magtayo ng local assembly plant ng e-jeepney sa Pilipinas.
Read also: "A bit off!" Nancy Binay, pinuna ang campaign ad ng Pilipinas sa London; DOT reacts
