Ipinapaalala ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jayart Tugade ang mahigpit na pagbabawal sa mga law enforcer at deputized agent nito na magkumpiska ng plaka ng mga nahuhuling sasakyan.
Ang tawag dito ay baklas-plaka, na inirereklamo ng mga motoristang nasasangkot sa paglabag sa batas-trapiko.
Inilabas ng LTO chief ang paglilinaw sa pamamagitan ng nilagdaan niyang Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.
Read also: VIRAL: Tricycle driver, pinagsabay ang driving at loving-loving

Read also: Quezon City underpass tampok ang makulay na art exhibit
Ayon sa nasabing JAO, ang lisensiya sa pagmamaneho, student permit, o ang sasakyan ay maaari lamang isailalim sa alarma kung hindi agad maipapataw o mababayaran ang kaukulang multa sa hinuling drayber o sasakyan.
Ayon pa sa JAO, "In all cases where the penalty includes the confiscation, suspension or revocation of a driver's license or student permit as well as the suspension or revocation of the registration of a motor vehicle or impounding the motor vehicle, and the same cannot be immediately implemented, the driver's license, the student permit, or motor vehicle as the case may be shall be put on alarm until the proper penalty may be implemented."
Read also: Application para sa August 20 civil service exam, itinakda sa May 22-June 21
Binigyang-diin ni Tugade sa kanyang memorandum na ang lahat ng LTO law enforcers at deputized agents ay hindi dapat magbaklas ng mga plaka kung hindi mai-impound ang mga nahuling sasakyan.
Tiniyak naman ng LTO chief sa publiko na ang central command center ng ahensiya ay maagap na makapaghahatid ng impormasyon sa mga tauhan nito sa lansangan hinggil sa mga naka-alarmang sasakyan.
Read also: China e-jeepney, may road test na sa Bacolod City; kopyang-kopya ang disenyo ng Pinoy dyipni