PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bunga ng puno tumawid sa iyong bakuran, puwede mo ba pitasin?

Kapitbahay concerns!
by Bernie V. Franco
Published May 29, 2023
guavas
Puwede na bang pitasin ang mga bunga sa sanga ng puno ng kapitbahay kapag tumawid na sa iyong bakuran? Puwede mo rin bang putulin ang sanga?
PHOTO/S: Unsplash (Anisa Wulan Asri)

Tumawid na ba sa iyong bakod ang sanga ng puno ng iyong kapitbahay?

Ang siste, may bunga pa, so ibig bang sabihin nito ay may free fruits ka?

Bago mo iyan pitasin, basahin muna ito.

Ang pagkakaalam kasi ng karamihan, sa iyo na ang prutas ng isang puno kapag tumawid sa iyong bakuran.

But that is not true.

Read:

Isang netizen ang nagpadala ng tanong kay Attorney Chel Diokno, isang university professor at human rights advocate.

Tanong ng netizen, “nag-ober-da-bakod” na ang sanga ng puno ng mangga sa bakuran, puwede na ba niyang pitasin at angkinin ang mga bunga?

Simula ni Atty. Diokno, “Iba ang nagtanim, pero iba ang aani? Hindi puwede iyan.”

Ayon sa Article 681 ng Civil Code: “Fruits naturally falling upon adjacent land belong to the owner of the said land.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin, hangga't hindi kusang nalalaglag sa inyong lupa ang mga bunga mula sa puno ay hindi mo ito maaaring angkinin.

Malinaw sa artikulo na hindi ito dapat pitasin dahil hindi mo ito pagmamay-ari.

Paano naman kung ang sanga ang nag-ober-da-bakod? Puwede ba itong putulin dahil tumawid sa inyong bakuran?

Binanggit ni Atty. Diokno ang Article 680 ng Civil Code na nagsasabing hindi basta-basta puwedeng putulin ang sanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang nakasaad sa Article 680: “If the branches of any tree should extend over a neighboring estate, tenement, garden or yard, the owner of the latter shall have the right to demand that they be cut off insofar as they may spread over his property…”

Ibig sabihin nito, may karapatan kang i-demand sa inyong kapitbahay na putulin ito.

Mas malaki naman ang iyong karapatan kung ugat ng puno ang tumawid sa iyong lupa.

Pagpapatuloy ng Article 680: “[A]nd, if it be the roots of a neighboring tree which should penetrate into the land of another, the latter may cut them off himself within his property.”

Samantala, responsibilidad din dapat ng may-ari ng puno na linisin ang mga nalaglag na mga dahon at sanga ng puno nito na nasa bakuran ng kapitbahay, ayon sa abogado.com.ph.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Puwede na bang pitasin ang mga bunga sa sanga ng puno ng kapitbahay kapag tumawid na sa iyong bakuran? Puwede mo rin bang putulin ang sanga?
PHOTO/S: Unsplash (Anisa Wulan Asri)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results