PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paano ang tamang paggamit ng electric fan?

Pustahan, mali kayo!
by KC Cordero
Published May 30, 2023
Photo of electric fan
Laging nakatutok sa ating katawan o mukha ang electric fan para maging presko ang ating pakiramdam. Mali pala ito.

Sa init ng panahon ngayon, electric fan ang pinakamabilis na solusyon kapag nasa bahay para maibsan ang alinsangan.

Walang bahay siguro ngayon na walang electric fan dahil ito ang pinaka-cost efficient na appliance kapag iritable na tayo sa sobrang banas ng paligid at wala namang naka-install na air-conditioning unit.

Guy installing electric fan

Pero alam ba ninyo na marami sa atin ang simula’t sapul ay hindi tama ang paggamit ng electric fan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa naka-realize nito ay ang TikTok user na si @leahwhite4828 ng United Kingdom.

Sa video na ini-upload ni @leahwhite4828, ibinahagi niya na 28 years na pala siyang mali ang paraan ng paggamit ng electric fan.

Read also: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation

Screenshot of @leahwhite4828 video

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gaya aniya ng iba, akala niya ay iisa ang paraan ng paggamit nito—ang itutok sa sarili para maginhawahan.

Ibinabahagi umano niya ang natuklasang life hack para sa ibang sobra ring naiinitan ngayon, at electric fan lang tanging panlunas.

Nilagyan niya ang kanyang TikTok video ng caption na: "I need to try this.”

Paliwanag niya sa video, "We're in a new build and it's quite a small house, so it retains heat so well, and it's absolutely boiling every night.

"We've been having a fan on, and we've been waking up sniffing and we've got a cold. And I'm guessing that's from having a fan on all night.

"I saw someone's TikTok saying that's not how fans are used in bedrooms.”

Hindi na niya binanggit ang identity ng TikTok user.

Ayon umano sa TikTok user, kapag gagamit ng electric fan, buksan ang bintana.

Itapat sa bintana ang electric, at saka i-on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong sistema, hinihigop umano ng electric fan ang mainit na hangin at ibinubuga palabas sa bintana.

Read also: Surgeon nagpatulong sa janitor na putulin ang hinlalaki sa paa ng pasyente

Dagdag pang paliwanag ni @leahwhite4828, ayon pa rin sa TikTok user, sa gabi naman kapag malamig ang paligid, italikod sa bukas na bintana ang electric fan at saka i-on.

Aniya, “It pulls the cool fresh night air in.

“I've just had it on for 15 minutes and my room is probably the coolest it has ever been.”

Natatawang tanong niya sa viewers, "Did anyone else know this? Or was it just me being absolutely stupid?"

Screenshot of @leahwhite4828 video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: VIRAL: “Bula sa unang kagat!” Bridesmaid, inakalang cupcake ang wedding giveaways; sabon pala

Mula nang i-share ni @leahwhite4828 ang kanyang video, maraming netizens ang hindi makapaniwala.

Nakakuha na ito ng mahigit 1.8 million views, 14.5K shares, at 2K comments.

Ang halos nagkakaisang sambit ng netizens, "I didn't know but shall try it.

"I need to try this. I have never known this, and I am older than you.

“I just learned this today."

Gulat na komento naman ng isa, "What?! I've just had it blowing directly in my face."

Sambit naman ng isa pa, "I never knew that, but I do remember walking past a house that had two fans in a window like that, and I thought that was weird. But I will try it now."

May nagsabi rin na totoo nga ang sinabi ng TikTok user.

“OMG this is actually true. Can't believe I've found it on the last day of the heatwave.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Motorsiklo vs. kalabaw; pulis patay sa banggaan

Siyempre, hindi nawawalan ng mga pilosopo.

May nagtanong din kung paano naman kung mababa ang electric fan at walang mapagpapatungan para pumantay sa bintana o kaya ay ceiling fan ang gamit niya?

Ang polite na sagot ni @leahwhite4828, “Good point. No idea.”

May isang nagpaliwanag na puwedeng bumili ng dalawang exhaust fans at ikabit sa magkabilang dingding—ang isa ay palabas ang buga ng hangin, ang isa naman ay paloob.

Sa ganitong paraan, may pagpipilian kung gustong pasingawin ang init o higupin palabas ang lamig—o sabay na buksan para mas effective.

Ang life hack na natuklasan ni @leahwhite4828 ay pinatotohanan din ng Lasko, isang manufacturer ng electric fans at air-conditioners.

Ayon sa Lasko, dapat iharap ang electric fan sa bintana kapag mainit ang space, at italikod naman kapag malamig.

Read also: First thing to do ng Super Lotto 6/49 jackpot winner: 'Magbabayad ng utang'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Box fan

Read also: 18 anyos na solong tagapagmana, natagpuang patay two hours after ikasal sa lalaking hindi gaanong kilala

Mainam umano na may isang box fan na siyang gagamitin para sa bintana para ipapatong na lang sa hamba nito, at ipupuwesto depende kung mainit o malamig ang panahon.

Mainam din umanong gumamit ng electric fan na 16 inches ang sukat ng fan blade.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinayo rin ng Lasko na kailangang may open airway ang kuwarto o bahay para sa mas magandang sirkulasyon ng hangin.

Dapat ding regular ang paglilinis at maintenance ng electric fan para mapanatili nito ang magandang performance.

Read also: Hustisya para kina Marshall at Millions, mga asong pinagbabaril ng pulis

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laging nakatutok sa ating katawan o mukha ang electric fan para maging presko ang ating pakiramdam. Mali pala ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results