Inianunsyo ng Google kamakailan na magde-delete na ito ng milyun-milyong email accounts.
Posible itong simulan sa December 2023.
Ang messaging system ng naturang search engine ay sinimulan noong 2004 at tinawag na Gmail.
Sa ngayon, ito ang isa sa pinakaginagamit na email system sa buong mundo.
Dahil sa pagiging popular ng Gmail at dami ng napapadagdag na subscribers taun-taon, napilitan ang Google na magdesisyong i-delete na lang ang hindi masyadong nagagamit na mga accounts.
Read also: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

Read also: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay
Karamihan sa mga Gmail accounts na ito ay ginawa at isang beses lang ginamit at pinabayaan na. Hindi na muling binuksan, o napakabihira.
Sa plano ng Google na mag-delete ng mga accounts, nag-worry tuloy ang maraming bilang ng subscribers na nakadepende sa Gmail at nakikinabang sa mga serbisyo nito.
Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ng Google na mag-delete ng Gmail accounts ay para makapaglinis ng space sa servers nito.
Mapapalakas din ang seguridad ng users ng Google.
Ayon sa kumpanya, ang isang abandoned account ay easy target para sa cybercriminals at hackers.
Ang Gmail accounts ang pinakamaraming natatanggap na spam araw-araw.
Read also: Fake news: Inverter aircon na ginagamit 24 oras, mas tipid sa kuryente

Read also: VIRAL: Korean opens emergency exit door during flight
Pinakamalaking dahilan naman ng Google ang space issues.
Kapag hindi na mabuksan ng user ang kanyang Gmail account na matagal nang napabayaan dahil nakalimutan na ang account name o kaya ay password, gumagawa na naman ng panibagong account na nagpapasikip sa laman ng servers.
Dapat umanong ilaan ang space sa mga users na aktibong gagamitin ang services ng Gmail.
Sa desisyon ng Google, ang targeted accounts, o ang Gmail na buburahin ay ang accounts na hindi nagagamit sa loob ng dalawang taon.
Read also: Paano ang tamang paggamit ng electric fan?
Kaya kung ang Gmail account ninyo ay hindi aktibo sa loob ng dalawang taon, isa ito sa posibleng ma-delete.
Ang pagkakaiba ng Gmail sa ibang email addresses at services, sa pamamagitan ng Gmail ay makapagbubukas ng iba pang tools na naka-link sa Google.
Kapag may Gmail account, may multi-access key na magagamit para sa iba pang available tools gaya ng YouTube, Google Docs, Google Drive, Google Photos, at iba pa.
Kapag na-delete na ang inyong email account, mawawala na rin ang lahat ng related content nito.
Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone

Read also: Filipino restaurant in Chicago gets Michelin Star
Para hindi ma-delete, ang pinakamadaling paraan ay gamitin itong muli.
Naririto ang ilang suggestions para manatiling active ang Gmail account:
- Laging buksan ang inbox.
- Mag-send ng email para ma-renew ang mga activities.
- Mag-connect sa mga applications na may Gmail access gaya halimbawa ng YouTube.
- Gamitin ang inyong account at mag-search sa Google
- Mag-connect sa PlayStore at mag-download ng application.
- Mag-log in sa inyong inbox at i-access ang Google Drive.