Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong June 5, 2023 si Atty. Gilberto C. Teodoro Jr. bilang kalihim ng Department of National Defense (DND), at si Dr. Teodoro J. Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Si Teodoro ay naging miyembro ng Congress bilang kinatawan ng First District ng Tarlac.
Naging kalihim na rin siya ng DND sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read also: After 28 years ng pagtaya, Zamboangueño na-lucky pick ang PHP21M SuperLotto jackpot prize
Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University-Manila.
Nakumpleto naman niya ang kanyang law degree bilang nangunguna sa kanilang klase sa University of the Philippines.
Topnotcher din si Teodoro sa 1989 Philippine Bar Examinations.
Nagtapos din siya ng Master's degree in Law sa Harvard University.
Read also: Artwork tinawag na pangit, “sinunog” ng kliyente; painter inulan ng blessings
Graduate naman si Herbosa ng bachelor's degree in Biology sa University of the Philippines-Diliman, at tinapos ang medisina sa UP Manila.
Kabilang sa kanyang educational background ang International Diploma Course in Emergency and Crisis Management sa University of Geneva, Switzerland at Postgraduate Studies in Medicine sa Sackler Faculty of Medicine, Tel Aviv University sa Israel.
Naging DOH Undersecretary rin si Herbosa mula 2010 hanggang 2015.
Read also: Paano ang tamang paggamit ng electric fan?

Kabilang sa kanyang naging initiatives noon ang Hospital Accreditation Commission, Modernization of the Philippine Orthopedics Center, at pagpapalawak ng Public-Private Partnerships sa sektor ng kalusugan.
Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone
Nanungkulan din si Herbosa mula October 2017 to April 2021 bilang Executive Vice President ng University of the Philippines System.
Naging propesor din siya sa Emergency Department ng Hospital Universiti Kebangsaan sa Kuala Lumpur, Malaysia, at sa National University of Malaysia.
Noong kasagsagan ng pandemya, naging Special Adviser sa National Task Force Against Covid-19 si Herbosa at nagbigay ng kanyang expert guidance para mapigilan ang paglaganap ng virus sa ating bansa.
Ang pagkakatalaga sa dalawang bagong kalihim ay inanunsyo matapos makipagpulong ni Pangulong Marcos kina Teodoro at DND Senior Undersecretary Carlito Galvez, at kina Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa magkahiwalay na okasyon sa Malacañang.
Matatandaang noon pa hinihiling ng iba’t ibang sektor na magtalaga na ng DOH secretary ang kasalukuyang administrasyon.