Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe M. Medalla ang paglulunsad ng commemorative coin set noong June 5, 2023 sa Malacañang.
Para ito sa 125th Anniversary of Philippine Independence and Nationhood (APIN) .
Naglabas ang BSP ng coin set na may 100-Piso, 20-Piso and 5-Piso denominations.

Read also: PWD in Grade 10 in Negros Occidental wins editorial cartooning category
Sumisimbolo ang 100-Piso sa 1898 declaration of Philippine independence.
Ang pagkakatatag ng kauna-unahang Republika ng Pilipinas sa Barasoain Church ang kinakatawan naman ng 20-Piso.
Ginugunita naman ng 5-Piso ang katapangan ng mga Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas noong Philippine-American War.
Read also: Finally, DOH may kalihim na; Gibo Teodoro balik-DND
Gumamit ang BSP ng pinakahuling digital printing technology sa paglikha ng APIN coin set.
Ang 100-Piso, 20-Piso at 5-Piso denominations ang pinakaunang may kulay na commemorative coins na na-produce ng BSP.
Hindi rin ilalagay sa sirkulasyon ang mga naturang coins kundi collector’s item.
Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask
Iaanunsyo ng BSP sa social media channels nito kung kailan magiging available for sale ang APIN coin set.
Ibebenta ang coin set sa BSP Store. Bisitahin lang ang link na ito: https://bspstore.bsp.gov.ph/.
Wala pang binanggit kung magkano ang presyo ng coin set.
Ang National Historical Commission of the Philippines ang mangunguna sa 125th APIN celebration mula 2023 hanggang 2026, na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”
Read also: Mystery solved: President Sergio Osmeña's biological father identified via DNA testing