Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 125th Independence Day sa June 12, 2023, haharanahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Historical Commission of the Philippines ang publiko via "Musikalayaan 2023"
Gaganapin ito sa Rizal Park, Luneta, Manila sa June 11, 2023.
Ang Service Media and Civil Affairs Group (MCAG) ng Civil Relations ng AFP ang magiging host ng event na may temang "Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan."
Ayon kay MCAG commander Maj. Ceno Pancito III, “The activity aims to commemorate the 125th anniversary of Independence Day with military talent.
“It will be completely free from admission fees and can catch the live stream through DWDD 1134 kHz AFP Radio simulcast at AFP Radio DWDD."
Read also: UP graduates na Top 1 sa board exams, kumusta na ngayon?

Read also: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng naturang konsiyerto ay mapapalaganap ng defense agencies ang national pride ng ating bansa na may tradisyon ng kabayanihan at katapangan.
Kabilang sa mga banda na lalahok sa Musikalayaan 2023 ang 2nd Infantry Division (2ID) Jungle Fighter Band, Bureau of Fire Protection Band, Jeck Pilpil & Peacepipe, at ang East Side Band.
May mga kinatawan din mula sa iba’t ibang uniformed services na magpapakita ng solo, duet, ensemble, quartet, and dance performances.
Dagdag pa ni Pancito, kabilang din sa magtatanghal sina Mrs. Universe 2022 Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling na naka-assign sa Presidential Security Group, Ronnie Liang na isang Army reservist, social media influencer and singer Charleen Ong, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) group from San Juan, Katrina Velarde, at Dulce.
Read also: Eligible Filipinos puwede nang bumiyahe sa Canada kahit walang visa

Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set
Magpapakita rin ang uniformed agencies ng military and civic static displays sa publiko pagsapit ng open house.
Idi-display ang mga tangke, mortars, machine guns, at ang ginagawang nation-building efforts ng militar.
Bandang alas sais naman ng hapon magsisimula ang concert.
Ayon pa kay Pancito, "The celebration commemorates the hard-fought achievement of independence and the ongoing commitment to protect the people, uphold sovereignty, and seek lasting peace in the country."
Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients