PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FDA may babala tungkol sa ilang klase ng lato-lato toys

Yung mga kulay green at glow in the dark ay "substandard" toys.
by KC Cordero
Published Jun 19, 2023
FDA advisory
Uso pero delikado ang paglalaro ng lato-lato. Bukod sa babala ng Food and Drug Administration na may harmful ingredients ito, masakit din sa tainga ang nalilikhang tunog at nakakadisgrasya pag nabasag. (Photo courtesy of FDA)

Naglabas ang Food and Drug Administration Philippines (FDA) ng babala sa publiko noong June 15, 2023 tungkol sa laruang usung-uso ngayon—ang lato-lato.

Posible raw na nagtataglay ito ng mapanganib na materyal para sa mga bata.

Ayon sa advisory ng FDA na naka-upload sa official Facebook page nito, ang ilan sa mga brand ng lato-lato na “glow in the dark” at ang isa pa ay umiilaw, ay hindi dumaan sa notification process ng ahensiya.

Read also: Car buyer in GenSan bashed for his getup na “parang bumili lang sa tindahan.”

The green lato-lato

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?

Babala ng FDA, posibleng may panganib na ulot ang ilang sangkap na ginamt sa laruan.

Ayon pa sa ahensya, "The use of substandard and possibly adulterated toy and childcare article product may result to health risks including, but not limited to, endocrine disruption and reproductive or development effects; or may result to injury, choking or suffocation due to its small or broken parts."

Nagbabala rin ang FDA laban sa mga establisyemento na nagtitinda ng mga ganitong klase ng laruan na hindi lubusang sumusunod sa itinakdang rules and regulations ng ahensiya.

Ang lato-lato ay naging popular na laruan noong dekada 60.

Kamakailan ay muling nauso ito sa Pilipinas.

The glow in the dark lato-lato

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Meet Brian Jansen Vallejo, ang math wizard ng Ilocos Norte

Banned naman ito sa United States, Canada, at sa United Kingdom dahil nagiging sanhi ng disgrasya sa naglalaro, bukod pa sa nakaiiritang ingay na nililikha nito.

Ang naturang laruan ay nag-originate sa U.S., kung saan tinawag itong clackers.

Sumikat itong muli lately dahil sa Indonesian TikTok trends.

Na-derive ang pangalan ng lato-lato sa Bugis word na "latto-latto," na nangangahulugang "making clacking sounds."

Ang original clackers noong 1960s at 70s ay yari alinman sa tempered glass o acrylic.

Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman

Original clackers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei

Dahil dito, madalas na mabasag ang mga bola kapag pinag-uumpog lalo na kung malakas ang paraan ng paglalaro nito.

Ang resulta, maraming naglalaro nito ang nasasaktan kapag tinatamaan ng nababasag na bola.

Kalaunan ay naglabas ang US Food and Drug Administration ng bagong safety standards para sa mga manufacturers.

Dahil doon, na-pull out ang mga lato-lato sa market hanggang sa tuluyan nang ipagbawal.

Sa ngayon, karamihan sa lato-lato ay yari sa modern plastic—na ibinabala nga ng FDA Philippines na posibleng may mapanganib na sangkap.

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Uso pero delikado ang paglalaro ng lato-lato. Bukod sa babala ng Food and Drug Administration na may harmful ingredients ito, masakit din sa tainga ang nalilikhang tunog at nakakadisgrasya pag nabasag. (Photo courtesy of FDA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results