Inihayag ni Department of Health Secretary Ted Herbosa noong June 19, 2023, na ang mga nursing graduates na hindi nakapasa sa board exam, pero nakakuha ng 70-74 percent, ay maaaring i-hire ng mga ospital ng pamahalaan.
Ayon sa kalihim, “I will tap them, around 50 percent of those who took the board exam but did not pass. Siguro yung lumagpak na 70 to 74 [percent] ang marka.
“Propesor ako. Yung 70 to 74, puwede kong ipasa yun kung ako ang propesor.
"Kung nakita ko na maganda naman ang recitation and everything, ipapasa kita sa klase ko.”

Read also: FDA may babala tungkol sa ilang klase ng lato-lato toys
Ang plano ng Department of Health ay suportado ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
READ LRT-1 at LRT-2, taas-pasahe simula August 2, 2023
FOUR-YEAR RETURN SERVICE AGREEMENT
Kapag tuluyang ipinatupad ang plano, ang mga nursing graduates na non-board passers ay pagkakalooban ng temporary license, at gagabayan sa kanilang trabaho ng mga propesyunal na nurses.
Bibigyan din sila ng palugit na apat na taon para makapasa sa Philippine Nurse Licensure Examination.
At kapag nakapasa na sa board exam, kinakailangan nilang lumagda sa four-year return service agreement, at magtrabaho sa mga ospital ng pamahalaan bago sila makapag-apply sa ibang bansa.
READ What you should know about personal data of dead Facebook users
MAGKANO ANG SUWELDO?
Sa proposal ni Herbosa, ang starting salary ng temporary licensed nurses ay mula PHP35,000 hanggang PHP40,000, depende sa experience.
Paliwanag pa ng kalihim sa planong mag-hire ng unlicensed nursing graduates, “Under the Universal Health Care, the core of any health system are nurses, that is why they are being pirated by other countries.
“They have the capability to build more hospitals so they would then be needing the services of more nurses.”
Sa kasalukuyan ay may 4,500 bakanteng plantilla (regular) positions ang DOH para sa mga professional nurses sa 72 hospitals nito sa buong bansa.
READ Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?
PILIPINAS NAUUBUSAN DIN NG MGA DOKTOR
Ayon pa kay Herbosa, lalong mababawasan ang mga nurse sa ating bansa sa mga susunod na taon kapag hindi nasolusyunan ang patuloy na paghahanap ng mga ito ng greener pasture sa abroad.

Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman
Aniya, “Kaya tinututukan ko na ngayon pa lang kasi kapag wala tayong ginawa ngayon, nakikita ko na in a few more years, maybe three or five years, ubos ang ating nurses.
“So, kailangan... ginagawan ko ng paraan para dumami ulit ang ating nurses. I saw the figures, mas madami yung umaalis kesa sa napo-produce natin.
“In a few more years, I don’t know how many, but I think it can be counted by the fingers of one hand. In a few years, if we don’t do anything, maubusan tayo ng nurses.”
Sa datos ng DOH, sa kasalukuyan ay may 44,602 physicians at 178,629 nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas.
Sa tala naman ng Professional Regulatory Commission, may 95,000 licensed doctors at 509,000 licensed nurses.
Noong May 2023 ay sinabi ni former DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na 12 years ang kailangan para mapunan ang kakapusan sa mga doktor sa bansa, at 23 years naman sa mga doktor.
Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay