PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cebu Pacific on Cancelled & Delayed Trips

“Responsibilidad pa rin namin ito bilang serbisyo publiko.”
by KC Cordero
Published Jun 21, 2023
Flight stewardess welcoming passengers
Sa ginanap na hearing sa Senado, inisa-isa ng Cebu Pacific ang mga naging sanhi kung bakit nakansela o kaya ay naantala ang flight. Humingi rin ang kumpanya ng paumanhin sa mga apektadong pasahero. “Naiintindihan namin na responsibilidad pa rin namin ito bilang serbisyo publiko.” (Photo courtesy of Cebu Pacific Air)

Humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa mga pasaherong naapektuhan ang biyahe dahil nakansela o kaya ay naantala ang flight.

Sa ginanap na joint hearing ng Committee on Tourism at Committee on Public Services sa Senado ngayong June 21, 2023, sinabi ni Cebu Pacific Chief Commercial Officer Alexander Lao na batid ng kumpanya ang hirap at pagkadismaya na naranasan ng mga pasahero.

Read also: Nursing graduates na bagsak sa board exam, planong i-hire ng gobyerno

Aniya, “We value the trust and confidence of our passengers, and are committed to providing safe, affordable, and reliable flights.

“Naiintindihan namin na responsibilidad pa rin namin ito bilang serbisyo publiko.”

Read also: Pre-packed at processed products na may trans fat, ipinagbabawal na

Photo of Cebu Pacific flight stewardess

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: LRT-1 at LRT-2, taas-pasahe simula August 2, 2023

Iniisa-isa ng Cebu Pacific ang ilang dahilan na nakaapekto sa operasyon nito.

Ayon kay Lao, ang "grounding" ng 120 Pratt and Whitney (PW)-powered Airbus aircraft sa buong mundo ay may malaking epekto sa maraming carriers—hindi lang sa Cebu Pacific.

Nakakaranas aniya ang PW engines ng “premature removal from service.”

Ang bawat engine restoration ay inaabot ng 220 araw sa halip na normal na 90 araw sa airline industry.

Paliwanag niya, ang premature servicing ay maihahalintulad sa preventive maintenance ng isang kotse kung saan dinadala na agad ito sa casa para ma-inspeksiyon matapos makabiyahe ng 3,000 kilometro sa halip na 5,000 kilometro.

Ngayong 2023, ang Cebu Pacific ay nagkaroon ng 12 unscheduled engine removals.

Read also: FDA may babala tungkol sa ilang klase ng lato-lato toys

Kinailangan ding i-ground indefinitely ang tatlong Airbus A321/A320 NEOs simula pa noong March.

Ani Lao, bukod sa isyu sa PW engine, hindi pa dumarating ang mga biniling eroplano mula sa kanilang aircraft manufacturer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We recognize that global supply chain issues are further worsening the situation and causing additional delays in aircraft deliveries,” paliwanag ni Lao.

“As a result, we have experienced delays ranging from anywhere two to five months for our scheduled deliveries in 2023.”

Read also: Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents

Binanggit din niyang apektado rin sa operasyon ng Cebu Pacific kapag may problema o sirang runway, masungit ang panahon, pag-atake ng mga ibon, pagputok ng gulong ng eroplano pagkasadsad, at pagkasira kapag tino-tow ng kanilang kinontratang maintenance provider.

Napipilitan ding magkansela ng biyahe ang Cebu Pacific kapag may red lightning alerts.

Ayon kay Lao, mula April hanggang June ay nakapagtala ng 72 red lightning alerts.

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years

Communication tools

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Pagiging Top 1 sa board exams, advantage ba sa job hunting?

Para maresolba ang mga isyu, nagbuo na ang Cebu Pacific ng disruption management team na tutugon sa reklamo ng mga pasahero.

Nagdagdag din ng live chat agents.

Bukod dito, pinalawak ang mga patakaran at proseso kung paano iha-handle ang pagkaantala ng mga biyahe, at pinabilis ang komunikasyon sa mga apektadong pasahero.

Ayon sa kumpanya, bagaman at posibleng hindi pa sapat ang mga nabanggit na aksiyon, aktibo nitong tinutugunan ang sitwasyon para higit na mapangalagaan ang mga pasahero.

Read also: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ginanap na hearing sa Senado, inisa-isa ng Cebu Pacific ang mga naging sanhi kung bakit nakansela o kaya ay naantala ang flight. Humingi rin ang kumpanya ng paumanhin sa mga apektadong pasahero. “Naiintindihan namin na responsibilidad pa rin namin ito bilang serbisyo publiko.” (Photo courtesy of Cebu Pacific Air)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results