Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang dagdag na PHP40 sa arawang suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR).
Inianunsiyo ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong June 29, 2023 batay sa inilabas na Wage Order No. NCR-24 ng RTWPB noong June 26 na nagkakaloob ng daily wage adjustment.
Read: Larry Gadon tinanggalan ng Supreme Court ng lisensiya bilang abogado
Dahil sa desisyon ng RTWPB, ang daily minimum wage sa Metro Manila ay magiging PHP610 na para sa non-agriculture sector.
Para sa agriculture sector, service and retail establishments na may 15 o mas kakaunting empleyado, at mga manufacturing establishments na karaniwang may mababa sa 10 na empleyado, ang arawang pasahod sa mga ito ay magiging PHP573 na.
Read: Pinaghahanap: Turistang inukit ang pangalan nila ng dyowa sa ancient Colosseum

Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K
Ayon sa inilabas na pahayag ng DOLE, “In accordance with existing laws and procedures, the wage order was submitted for affirmation to the National Wages and Productivity Commission (NWPC) on June 26, 2023.”
Inaprubahan naman ito ng NWPC noong June 27 at inawtorisahan ang publikasyon ngayong June 30.
“The wage order is to take effect after 15 days from its publication, or on 16 July 2023,” ayon pa sa DOLE.
Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe
Ang pinakahuling Wage Order para sa mga manggagawa sa mga pribadong kumpanya sa NCR ay iniisyu noon pang May 12, 2022, at naging epektibo noong June 4, 2022.
Tinatayang nasa 1.1 milyon minimum wage earners sa NCR ang makikinabang sa bagong kautusan.
Aabot naman sa 1.5 million full-time wage and salary workers na sumasahod ng above-minimum wage ang maaari ring makinabang dito.
Ang PHP40 wage increase sa NCR ay resulta ng mga inihaing petisyon ng iba’t ibang labor groups na humihingi ng dagdag sa arawang suweldo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin.
Read: Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"
