Nagising ang halos 51 milyong katao sa South Korea noong June 21, 2023, na mas bata ng isa o dalawang taon sa kanilang kasalukuyang edad—dahil sa kanilang bagong batas.
Batay sa batas na nagkabisa nang araw ring iyon, “all judicial and administrative areas” sa South Korea ay ia-adopt ang “international age” system na ginagamit ng maraming bansa sa buong mundo.
Tinapos na rin ng nasabing batas ang debate tungkol sa problema ng nasabing bansa na bunga ng kanilang nakaugaliang paggamit ng “Korean age” at “calendar age.”
Ayon kay Lee Wan-kyu, Minister of Government Legislation, sa ginanap na news briefing noong June 27, ngayong standardized na ang edad ng mga South Koreans, mababawasan na rin ang iba’t ibang social confusions and disputes.
Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K

Ang batas na ipinasa ng South Korea’s Parliament noong December 2022 ay inaasahang makakabawas din nang malaki sa social costs dahil sa magkahalong paggamit ng age standards.
Isa ito sa mga pangako ni President Yoon Suk-yeol, na nag-umpisang manungkulan noong May 2023.
Read: Meet Scooter, World’s Ugliest Dog 2023 winner; netizens inalmahan ang contest
ANG TATLONG AGE SYSTEMS SA SOUTH KOREA
Sa South Korea, ang “international age” ay tumutukoy sa number of years mula nang isilang ang isang mamamayan doon, at nagsisimula sa “zero”ang sistema na ginagamit ng maraming bansa.
Pero kapag casual na tinanong tungkol sa kanilang edad, karamihan sa South Koreans ay sasagot gamit ang kanilang “Korean age,” na matanda ng isa o dalawang taon sa kanilang international age.
Read: Larry Gadon tinanggalan ng Supreme Court ng lisensiya bilang abogado

Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!
Sa ilalim ng sistemang ito—na nag-ugat pa sa China—ang mga South Koreans ay itinuturing na one year old na sa mismong araw na ipinanganak sila. Nadadagdagan naman ang kanilang edad tuwing sasapit ang January 1.
Sa ibang pagkakataon, ginagamit din ng South Koreans ang kanilang “calendar age”—isang mash-up ng international age and Korean age—kung saan itinuturing ang mga baby na zero year old sa araw na isinilang sila, at nagdadagdag ng isang taon tuwing January 1.
Halimbawa, ang “Gangnam Style” singer na si Psy, ay isinilang noong December 31, 1977. Ikinukunsidera siyang 45 years old sa international age, 46 sa calendar year age, at 47 sa Korean age.
Kung nakakalito ito para sa hindi South Koreans, bahagi naman ito ng pang-araw-araw na buhay sa bansang gumagamit ng iba’t ibang sistema pagdating sa edad ng kanilang citizens.
Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe
SOUTH KOREANS PABOR SA BAGONG STANDARD
Gayunpaman, sa kabila ng new standardization sa edad ng South Koreans, sinabi ng kanilang gobyerno na ang old systems ay gagamitin pa rin “in some circumstances.”
Halimbawa, ang mga batang South Koreans ay karaniwang nagsisimulang mag-aral sa elementary school tuwing buwan ng March kapag 6 years old na sila (batay sa international age), kahit anong buwan pa mapatapat ang kanilang birthday. Kabilang ang sistemang ito sa ipagpapatuloy.
Ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay ibabatay sa taon ng kapanganakan, regardless of month. Ibig sabihin, ang dalawang tao na ang isa ay ipinanganak noong January 1990 at ang isa ay December 1990 ay ituturing na magka-edad.
Sa ilalim ng batas na ito, ang mga South Koreans ay papayagang makabili ng alak pagsapit nila ng 19 years old (in international age).
Read: Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"
Patuloy ring gagamitin ang old systems sa pagpasok ng South Koreans sa mandatory military service.
Ibig sabihin, ang pagiging eligible sa mandatory military service ay ibabatay sa taon kung kailan sila isinilang, sa halip na sa kanilang specific age or birth date.
Ayon kay Minister Lee, “The government decided to contain such exceptions even after the revisions go into effect, as it is easier to manage such issues on a yearly basis.”
Read: Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!

Maraming South Koreans ang posibleng ipagpatuloy ang paggamit ng kanilang traditional Korean age system sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pakikisalamuha sa iba dahil iyon na ang nakagawian.
Gayunpaman, sa isinagawang poll ng Ministry of Government Legislation, 86.2% ng respondents ang nagsabing gagamitin na nila ang international age system.
Isang tagumpay ito sa kanilang mga mambabatas na naglaan ng maraming taon para ipaglaban na magamit na ng South Korea ang standardized international age, dahil nakakalito at nakakapagod nga naman ang pagsunod sa multiple age systems.
Read: TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa
