Mga produkto ng dalawang state universities ang nangunguna sa listahan ng mga kumpanya kapag agha-hire ng bagong empleyado.
Batay sa resulta ng survey ng JobStreet, isang online job portal, na inilabas noong July 3, 2023, ang mga nagtapos sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang nananatiling number one choice ng mga kumpanya.
Nakakuha ito ng 23.39 percent.

Binigyang-diin sa survey na ang mga produkto ng PUP ay effective team players sa mga kumpanya.
Pumangalawa naman ang University of the Philippines (UP) na nakakuha ng 9.17 percent.

Nasa ikatlong puwesto ang De La Salle University (DLSU) na nakakuha ng 6.88 percent.
Pinipili naman ng mga employers ang mga nagtapos sa UP at DLSU batay sa reputation and alignment ng mga nasabing educational institutions sa kanilang industriya.
Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976
Nasa ikaapat na puwesto ang University of Santo Tomas (UST) na nakakuha ng 5.28 percent, samantalang panglima at ang Mapúa University na may 3.44 percent.
Kabilang din sa listahan ang Batangas State University (3.21 percent), University of Mindanao (2.29 percent), University of Cebu (2.06 percent), Technological Institute of the Philippines (TIP) (2.06 percent), at STI College (2.06 percent).
Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamur
SURVEY MAKAKATULONG SA EMPLOYERS, SCHOOLS
Isinagawa ang survey noong May 2023, at ibinatay sa hirer base ng Jobstreet na kinabibilangan ng 42 industries at mahigit 700 companies—malaki man o maliit.
Layunin ng survey na matulungan ang mga kumpanya na mas maging focused sa mga jobseekers na kanilang ina-approach.
Magagamit din ito sa pagbuo ng policy recommendation, maging sa paghahatid ng mga pagbabago sa academe at sa workplace upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa unique na katangian na taglay ng bawat academic institution.
Read: South Koreans bumata ng 1 to 2 years dahil sa bagong age system
Batay pa rin sa survey, in demand ngayon ang mga nagtapos ng information technology (IT) at human resources.
Ang call center o business process outsourcing (BPO) industries ang top recruiters ng mga produkto ng PUP, UP, at UST.

Ang DLSU graduates ay mabenta sa healthcare, information technology, at property/real-estate sectors, samantalang sa construction at IT naman ang Mapua Institute of Technology.
Read: Manggagawa sa pribadong sektor sa NCR, may PHP40 daily wage increase
IBA PANG FACTORS SA HIRING PROCESS
Kabilang naman sa mga factors na tinitingnan ng employers ang alignment ng school sa kanilang negosyo at reputasyon nito.
Pagdating naman sa prospect hiree para sa isang posisyon, pinagbabatayan ang self-esteem, residence (dahil sa transportasyon), at alumni status.
Ayon kay Philip Gioca, JobStreet country manager, “We hope that the insights shared through this survey can help in improving connections between jobseekers and employers.
“Most importantly, more than these preferences, it is crucial for candidates to recognize and hone their own unique qualities and strengths that are primary factors for determining hireability and career growth.”
