PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DOTr: 130K driver's license cards, ire-release sa September

Target ng DOTr: Driver's license distribution, magno-normalize sa September 2023
by KC Cordero
Published Jul 19, 2023
DOTr office
Malapit nang magkaroon ng physical cards ang mga motoristang naisyuhan ng paper driver's licenses. Target ng Department of Transportation na mag-normalize na ang pag-iisyu ng driver’s license pagsapit ng September 2023.

Makukuha na ng mga motoristang naisyuhan ng paper driver's licenses ang kanilang physical cards sa darating na August o September 2023.

Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista noong July 18.

Ayon kay Bautista, nasa 130,000 driver's license cards na naka-pending ang ilalabas na sa September.

Read: Winner ng PHP366M Ultra Lotto 6/58 jackpot, planong mag-share ng napanalunan

Inaasahan din na ang magno-normalize na sa panahong iyon ang kakapusan sa plastic cards.

Ayon sa kalihim, “Yung license natin, we’re expecting delivery by next week. Initially pakonti-konti lang yan.

“By September, nai-deliver na lahat yung pending natin na dapat iisyu.”

Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie

LTO advisory

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo

Ang kakapusan sa plastic cards ay nagresulta sa backlog sa pag-iisyu ng driver's licenses, kaya napilitan ang mga opisina ng LTO na pansamantalang maglabas ng paper licenses.

Ang mga motorista na wala pang actual plastic driver's license card ay maaari namang ma-access ang electronic driver’s license (eDL) na iniisyu ng LTO sa pamamagitan ng LTMS Portal.

Ang eDLs ay maaaring gamitin bilang alternative identification cards, ayon kay Bautista, pero kailangan pa ring may physical copy.

Read: Name this rare white lion born in Malabon Zoo

Tinatayang nasa 5,000 driver’s license cards ang ilalabas bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon kay Land Transportation Office Officer-in-Charge Hector Villacorta noong July 17.

Ang unang batch ng license cards ay ipamamahagi sa mga overseas Filipino workers, at sa mga bagong nag-apply para sa driver's license.

Nauna nang sinabi ng DOTr at ng LTO na ang kakapusan sa 500,000 plastic card ay posibleng abutin nang hanggang October.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa inilabas ng LTO na memorandum circular noong April 24, pinalawig ang validity ng driver’s licenses hanggang October 31.

Read: “Bagong Pilipinas” campaign, inilunsad; gobyerno walang ginastos sa logo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang magkaroon ng physical cards ang mga motoristang naisyuhan ng paper driver's licenses. Target ng Department of Transportation na mag-normalize na ang pag-iisyu ng driver’s license pagsapit ng September 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results