Simula August 2, 2023, tataas na ang pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator at namamahala sa maintenance ng LRT-1, ang bagong minimum fare ay PHP14 at ang maximum fare ay PHP35 para sa stored value cards (SVCs).
Ang single journey tickets (SJTs) naman ay PHP15 hanggang PHP35.
Bago ang increase, ang minimum fare ay PHP12 habang ang maximum fare ay PHP30 para sa SVCs.
Hindi naman nabago ang rate ng single journey tickets.
Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner

Read: Ipon ng lola na PHP358K sa cardboard box, pinapak ng anay
Ayon sa inilabas na pahayag ng LRMC noong August 1, “Based on the decision of DOTr’s Rail Regulatory Unit (RRU), the LRT-1 boarding fare will become PHP13.29 with a distance fare of PHP1.21 per kilometer, coming from the current boarding fare of PHP11 and distance fare of PHP1 per kilometer.”
Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho
Sinabi rin ng LRMC na sinunod ang due process sa ipinatupad na fare increase, kabilang ang requirement na kailangang ipalathala sa mga pahayagan ang approved fare adjustments sa loob ng magkakasunod na tatlong linggo.
“Thirty days after the last publication date will be the collection date of the new fares; hence the effectivity date of August 2 for the new fares. A public consultation was also held on 17 February 2023 which was attended by various stakeholders,” ayon pa sa LRMC.
Read: Neil Severino, nakapagtapos ng college dahil sa kanyang leaf art
Inianunsiyo naman ng Department of Transportation (DOTr) sa official Facebook Page nito ang ang fare increase ng LRT-2.

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Ang SVCs ng LRT-2 ay magkakaroon ng minimum fare na PHP14 mula sa dating PHP12, at PHP33 naman ang maximum fare mula sa dating PHP28.
Mananatili naman ang minimum fare na PHP15 para sa SJTs, habang magiging PHP35 ang maximum fare mula sa PHP30.
Ang fare increase para sa LRT-2 ay batay sa fare adjustment na inaprubahan ng Rail Regulatory Unit para sa LRT-1.
Ayon sa DOTr, “Ang karagdagang pamasahe ay gagamitin para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng LRT-2. Taong 2015 pa noong huling inaprubahan ang fare adjustment para sa linya.”
Mananatili naman ang 20 percent fare discount para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disabilities.
Noong June 2023 ay inaprubahan ng DOTr ang fare increase para sa LRT-1 and LRT-2 para umano mabawasan ang ginagastos ng pamahalaan sa pagkakaloob ng subsidiya sa mga pasahero nang halos tatlong porsiyento.
Sinabi naman DOTr Assistant Secretary for Railways Sector Jorjette Aquino na ang actual cost kada pasahero para sa single end-to-end trip ng LRT-2 ay nasa PHP178, pero sinisingil lang ang mga ito ng PHP30.
Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?
