PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Trabaho sa gobyerno ang hanap mo? Bisitahin ang CSC Job Portal

Detalyado ang mga bakanteng posisyon
by KC Cordero
Published Aug 3, 2023
Government employee at work
Taun-taon, libu-libong aplikante ang natatanggap sa pampublikong sektor dahil sa mga job vacancies na naka-post sa Civil Service Commission Job Portal. (Photo courtesy of CSC)

Inaanyayahan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga nais maging kawani ng pamahalaan na bisitahin ang CSC Job Portal sa www.csc.gov.ph/career.

Dito malalaman kung may trabahong akma sa kakayahan.

May opisyal na pahayag si CSC Chairperson Karlo Nograles noong June 28, 2023 sa official Facebook Page ng ahensiya:

“Taun-taon, libu-libong aplikante ang natatanggap sa pampublikong sektor dahil sa mga job vacancies na naka-post sa CSC Job Portal.

“Ngayong taon, inaanyayahan naming muli ang mga bagong graduate sa kolehiyo at first time jobseekers, pati na rin ang mga nakapasa sa nakalipas na Career Service Exams, at ang mga gustong lumipat ng trabaho na bisitahin ang portal.”

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

The CSC announcement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick

Ipinaliliwanag din ng CSC Job Portal sa mga interesado at kuwalipikadong Filipino citizens ang mga importanteng detalye kaugnay ng job vacancies na inio-offer ng national government agencies, local government units, at maging ng state universities and colleges.

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring ma-access ang CSC Job Portal at gumamit ng filters para sa position title, agency name, at kung saang region maitatalaga para mas mabilis makita ang mga available na bakanteng posisyon.

Nakalagay rin sa search results ang mahahalagang impormasyon para sa bakanteng posisyon, gaya ng position title at kung saan ang place of assignment, plantilla item number, application deadline, salary/job grade o kung magkano ang suweldo, at ang mga qualifications para matanggap sa posisyon.

Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner

Sample of job vacancy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

Ipinaalala ni Nograles sa mga aplikante na direktang isumite ang mga requirements sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, at alaming mabuti ang itinakdang qualification standards and competencies sa bawat bakanteng posisyon.

Paalala niya, “Eligibility is not the sole requirement for permanent appointment.”

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2000221, dated February 4, 2020, nag-adopt ang CSC ng single, unified platform—ang CSC Website—para sa paglalathala o posting ng mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

Batay sa resolution, ang mga ahensiya ay inaatasan na magsumite ng kanilang listahan ng authorized first, second, and third-level vacant positions sa kaugnay na CSC Field Office (FO).

Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Ang listahan ay dapat na parehong nasa electronic and printed formats.

Ang printed copy ay kinakailangang ipaskel ng ahensiya at ng CSC FO sa kani-kanilang bulletin boards.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, ang electronic copy ay kailangang ipadala sa CSC Regional Office para mai-upload sa CSC Website nito.

Sinabi ni Nograles na umaasa ang CSC na mas maraming kuwalipikadong Filipino jobseekers ang papasok sa public sector, at magiging bahagi ng 1.8 million civil service work force.

Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taun-taon, libu-libong aplikante ang natatanggap sa pampublikong sektor dahil sa mga job vacancies na naka-post sa Civil Service Commission Job Portal. (Photo courtesy of CSC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results