Nabuhayan ng loob ang mangingisdang si Kenneth Catamora, taga-Cavite, nang may makita siyang maliit na bato sa loob ng isa sa oysters o talaba na kanyang nililinis.
Hugis bilog ang nakita niyang bato, makinis, at dilaw ang kulay.
Kung sakaling tunay nga itong perlas, malaking tulong ito para sa pamilya ni Kenneth.
“Pumasok sa isip ko na, ‘Ay, baka perlas,” kuwento ni Kenneth sa 24 Oras noong August 3, 2023.
“Di po siguro ito bababa sa PHP20K,” ani Kenneth ukol sa posibleng halaga ng bato kung perlas nga ito.
Read: U.K. zoos boast of “100% genuine sun bears” following fake bear issue in China zoo
PEARL UNDERGOES 4-WAY TEST
Ipinasuri ang batong napulot ni Kenneth sa mga eksperto.
Isinailalim ito sa apat na tests para matiyak kung authentic nga.
1. Tooth test
Ikinikiskis ang perlas sa front teeth. Kung totoo itong perlas, dapat ay maaligasgas kapag kiniskis sa ngipin.
2. Fire test
Matapos apuyan ang perlas, kapag nilinis ito ay dapat ay lalabas ang pagkakinis nito.
Read: Senior citizen, PWD discount via online transactions is mandatory, says BIR

3. Rub test
Kapag pinagkiskis ang dalawang perlas, dapat ay magpupulbos ito. “Kung hindi magpa-powder, plastic iyon,” sabi ng jeweler.
4 Nitric acid test
Dapat ay magbubula ang nitric acid na ipinatak sa perlas.

At lumabas na ang resulta. Perlas nga ba ang natagpuang bato ni Kenneth sa mga ititindang talaba?
Ang sabi ng jewelers, hindi high-grade pearl ang nakita ng mangingisda.
“Posibleng ito ay low-quality pearl. Ito ay hindi perfect. Hindi siya masyadong valuable economically,” paliwanag ni Gregg Yan, executive director ng Best Alternatives Campaign (na nagsusulong ng sustainable method for biodiversity conservation).
Hindi man ito ang resultang inaasahan, mas mabuti na raw para kina Kenneth na malaman nila ang totoo.
Matatandaang noong April 2023 ay isang Thai ang bumili ng mga kuhol para ulamin.
Kasunod nito ay may nakita siyang isang maliit, makinis, at dilaw na bato sa isa sa mga kuhol.
Matapos ipasuri, natuklasang isa itong Melo pearl, isang rare pearl na nagkakahalaga ng PHP1 milyon o higit pa.
Read: Extremely rare Melo pearl na abot PHP1.6M ang halaga, napulot sa uulaming kuhol
HOW AN OYSTER PRODUCES A PEARL
Ipinaliwanag ni Kim Atienza kung paano nabubuo ang isang perlas sa loob ng isang talaba.
Pinapasukan daw ng foreign material ang isang talaba na kalaunan ay nagiging perlas.
Ani Kuya Kim, nagsisimula ito kapag ang foreign material—buhangin, parasite, o bato—ay nakapasok sa isang shell.
“Para protektahan ng talaba ang soft insides nito, naglalabas ito ng protective coating na nacre, na nagbi-build up at tumitigas sa palibot ng irritant [foreign material].
“Sa paglipas ng panahon ay nagiging perlas ito,” ani Kuya Kim.
Ang perlas daw ang natatanging precious stone na galing sa isang living organism.
Ibinahagi rin niya na may isang perlas mula sa 10,000 perlas ang natatagpuan sa mga wild oysters dahilan para maging isa sa precious stones sa buong mundo.
Isang porsiyento lamang daw ng mga perlas na mula sa oyster ang “naturally occurring,” habang ang malaking porsiyento ay mula sa farmed o cultured pearls.
