PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Php14,000 ipon, inubos ng anay

Nagdesisyon si Randy na huwag nang dalhin sa bangko ang inanay na pera
by Bernie V. Franco
Published Aug 12, 2023
mutilated banknotes
Ang kalunos-lunos na sinapit ng inipong pera ng estudyanteng si Randy Boganutan na umaabot ng PHP20,000 dahil pinapak ng anay. Naisalba pa ng estudyante ang PHP6,000 pero hindi na naligtas ang PHP14,000.
PHOTO/S: TikTok (@randygasangbogunotanvlog)

Naipon ang sama ng loob ng estudyanteng si Randy Boganutan matapos pagpiyestahan ng anay ang kanyang inipong pera na nagkakahalaga ng PHP20,000.

Karamihan dito ay tig-iisandaang pisong banknotes na inilagay ni Randy sa alkansyang yari sa karton at pagkatapos ay binalutan ng plastic.

Sa kasamaang palad, ang perang ito na kanyang inipon ay kinain ng anay. Tatlong buwan pinagpaguran ni Randy ang ipon niyang ito.

May naisalba pang PHP6,000 sa perang inanay, pero nasira na ang higit sa kalahati nito na PHP14,000.

“Natutulala ako that time… parang nagba-blank po ako,” kuwento ni Randy sa ulat ng GMA News.

Ang sabi ni Randy, ang kaibigan niya ang nakadiskubre sa perang inanay.

“Pagwalis niya, nasagi ng walis yung alkansya. Pagkasagi ng alkansya may nagpatak daw…”

Para raw malambot na ang lalagyan ng alkansya at naglalaglagan na ang mga anay.

Malaking dagok naman ito kay Randy na graduating student na sa kursong Information Technology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangmatrikula sana niya ang ipon.

Pero puwede pa bang mapalitan ang perang inanay?

Read: Inakay na napulot ng magsasaka sa CamSur, isa palang Philippine Hawk Eagle

MUTILATED BANKNOTES

Sa isang video ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tinalakay ang guidelines tungkol sa mutilated banknotes at BSP Circular No. 829, Series of 2014, partikular na ang pagpapalit sa mutilated banknotes o sira-sirang pera dahil nasunog, inanay, o nginatngat ng hayop.

Sa BSP Circular No. 829, Series of 2014, may tatlong pamantayan para mapalitan pa rin ang mutilated banknotes. Ang tatlong S— size, signature, at security thread.

Una, dapat ay may natira pang 60 percent sa nasirang size ng pera.

Pangalawa, kailangan may natirang alinmang pirma ng BSP governor o ng Pangulo ng Pilipinas.

At pangatlo, ang security thread ay kailangang nakikita pa rin sa sirang pera.

Read: Criminology student napa-graduate ang sarili dahil sa pagiging make-up artist

money

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

money

money

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangang dalhin ang mutilated banknotes sa awtorisadong bangko, na siya namang maghahatid ng banknotes sa BSP office para suriin.

Kapag nakapasa sa requirements, ide-deposit ng BSP ang pera sa awtorisadong bangko na siyang magpapaabot sa kliyente.

Ang awtorisadong bangko rin ang magbibigay alam sa kliyente kung hindi naman nakapasa sa requirements ang mutilated banknotes.

Samantala, nagdesisyon si Randy na huwag nang dalhin sa bangko ang mutilated banknotes.

Sa GMA News interview, ipinakita ni Randy ang hitsura ng mga sira-sirang pera na halos di na makilala.

Sa kabilang banda, naglabas din ng video si Randy para pasalamatan ang GMA News na inilahad ang kanyang kuwento.

Lubos din ang pasasalamat ni Randy dahil may mga nagmagandang loob na netizens na pinadalhan siya ng tulong.

Tiniyak naman ni Randy sa kanila na hindi niya sasayangin ang tulong ng mga ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kalunos-lunos na sinapit ng inipong pera ng estudyanteng si Randy Boganutan na umaabot ng PHP20,000 dahil pinapak ng anay. Naisalba pa ng estudyante ang PHP6,000 pero hindi na naligtas ang PHP14,000.
PHOTO/S: TikTok (@randygasangbogunotanvlog)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results