Patok ngayon sa netizens ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) para makagawa ng nostalgic high-school personas sa pamamagitan ng bago at kasalukuyang viral app na AI yearbook.
Ang AI-powered platform na EPIK AI photo editor ay may yearbook portrait templates mula sa kahit na anong era.
Read: Meet Jeanne Nicci Orcena, Miss Universe Philippines 2022 candidate na board topnotcher
Maaari ring i-transform ang photo para magkaroon ng classic student look o magmukhang athletic, nerd, campus crush, at iba pang personas.
At ang kinagigiliwan ng mga netizens dito, better version ng sarili ang pino-produce ng app.
Ang hashtag na “#AIyearbook” ay nakakuha na ng mahigit 255 million views sa TikTok.
Napakarami ring users ang sinusubukang gamitin—for fun—ang malikhaing AI feature.
Kabilang sina Megan Young at Rhian Ramos sa mga sumubok sa app.

Sa kanyang Instagram post noong October 1, 2023, ang caption ni Megan sa kanyang AI yearbook photos, “I had really curly hair in high school. Similar to the first photo but I just didn’t know how to take care of it.
“It never went back to being curly—parang may slight wave na lang ‘yung buhok ko. As in one wave, ha-ha-ha-ha!”

Sambit naman ni Rhian sa kanyang Instagram post last October 2, “Turning 33 tomorrow, thought I'd release those pics from the yearbook I never had.
“Check my stories for the shots where AI had me confused with someone else.”
Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday
HOW TO CREATE YEARBOOK PHOTO?
Kung gusto ninyong subukan ang AI Yearbook pictures gamit ang Epik app, i-download ang AI Photo Editor app mula sa App Store or Google Play store.
Kapag na-download, sundin ang mga sumusunod na proseso:
- Navigate to the ‘AI Yearbook’ feature on the homepage.
- Mag-upload ka ng ng eight to 12 photos mo. Dapat well-lit, in focus, Hindi edited or photoshopped. For best results, pumili ng variety of angles, backgrounds, and expressions. If hindi ka sure sa choices mo, don’t worry, sasabihin naman ng app.
- Piliin ang iyong gender. Kung female ka, puwede mo ring piliin ang male and vice versa just to see an alternate you.
- May one-off payment para makuha ang iyong images. There’s a standard option (US$5.98 or PHP338.93) that generates 60 images within 24 hours. The express option (US$8.98 or PHP508.96) gets you 60 images in just two hours.
- Antaying i-generate ang iyong AI Yearbook photos.
IMPACT OF AI TECHNOLOGY
Sa kabila ng maraming benepisyo ng AI, marami ring pangamba sa impact nito sa lipunan,
Isa sa pinakamalaking pangamba ay ang potensyal ng AI na mas mapalaganap ang bias at diskriminasyon.
Ito ay dahil sa ang AI systems ay “only as unbiased as the data they are trained on.”
Kung biased ang data, ang AI system ay magiging biased na rin. Halimbawa, ang facial recognition systems ay nagpapakita na less accurate para sa mga tao na may darker skin tones. Ibig sabihin, mas kailangan pa ang diversity and inclusivity sa AI development.
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace
Ang isa pang pangamba ay ang potensyal na magamit sa maling paraan o maabuso ang AI.
Halimbawa, ang AI-powered autonomous weapons ay may potensyal na makalikha ng malaking pinsala—pero sino ang dapat managot at may responsibilidad?
Dagdag pa rito, ang paggamit sa AI para sa surveillance and law enforcement ay nagdudulot din ng maraming katanungan ukol sa privacy at kalayaan ng mga tao.
Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso
LIGHT-HEARTED AND INNOVATIVE
Sa ulat ng Fox News last October 5, sinabi ni Dr. Harvey Castro—isang physician, health care consultant, entrepreneur, at AI expert and speaker on ChatGPT—na ang kasalukuyang trend ay "light-hearted and innovative application of AI technology.”
Aniya, "It provides a stark contrast yet an interesting comparison to the more critical and life-impacting applications of AI in health care."
Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda
Pinansin ni Castro ang paglago ng versatility ng AI gaya ng EPIK AI photo editor na nakalilikha ng "diverse and personalized visual content" kumpara sa AI-powered systems sa ibang sektor.
Tinukoy niya na sa health care, ginagamit ang AI sa mga crucial tasks, gaya ng drug discovery, early disease detection, at maging sa medical record summarization.
Nagpapakita aniya ito ng pagiging versatile ng AI applications at marami itong puwedeng gawin sa iba't ibang fields.
Read: African mask, binili for PHP8K, nasa PHP249M pala ang halaga
ETHICAL USE NG AI APP
Gayunpaman, nagbabala si Castro tungkol sa "ethical use" ng AI yearbook trend.
Dapat aniyang iwasan ang pagpapauso sa stereotypes, at maging ang paglikha ng offensive images.

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money
Paalala ng expert, "The AI Yearbook trend should ensure that the technology is inclusive and can generate respectful and accurate images for all users."
Dagdag pa niya, sa mga playful applications gaya ng AI Yearbook trend at maging sa mga critical applications na ginagamit sa health care, napakaimportante ng ethical use, transparency, at pagiging responsible user.
Dapat na ikonsidera rin ang potential impact ng AI technologies pati na rin mga limitasyon nito.
