PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

May paglilinaw ang CEO ng Levi’s.
by KC Cordero
Published Oct 17, 2023
Photos of denim jeans
May "urban legend" na mas gumaganda at tumitibay ang maong na pantalon kapag hindi nilalabhan. May paliwanag dito ang CEO ng Levi's jeans.

Dapat bang labhan agad ang jeans pagkatapos maisuot ng isang beses?

Isa si Charles Bergh, chief executive officer ng Levi Strauss, sa nasa likod ng ganitong mindset ng mga tao pagdating paglalaba ng jeans.

Sa isang event kasi noong 2004 ay nabanggit daw ito ni Bergh bilang bentahe.

Photo of Charles Bergh

Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naging "urban legend" na ang Levi’s jeans ay hindi dapat labhan dahil mas gumaganda ang porma kapag mas dumudumi ito,

Pero noong October 5, 2023, sa panayam ng CNBC, isang American basic cable business news channel and website, sinabi ni Bergh na iba lang ang naging pakahulugan ng mga tao sa kanyang sinabi.

Paglilinaw ni Bergh, “I never said don’t wash your jeans.”

Ang sinabi umano niya noon sa event ay huwag ilalagay ang denim jeans sa washing machine.

Ani Bergh, hanggang ngayon ay hindi siya gumagamit ng washing machine para linisin ang kanyang mga maong.

Paliwanag niya, “True denim heads, people that really love their denim, will tell you to never put your denim into a washing machine. So that’s what I do.”

Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

“NILILINIS” HINDI NILALABHAN

Para sa mga hardcore denim lovers, ang paglalaba ay may epekto sa hugis at kulay ng pantalon, ayon kay Bergh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag hinayaan namang hindi nalalabhan, mas gumaganda ang appearance nito dahil sa mga nagiging lukot o tupi, at exposure sa iba’t ibang klima at elemento.

Mas nagtatagal din umano ang maong kung hindi nilalabhan dahil hindi nagagasgas ang fibers nito.

Kapag nagagasgas ang maong, pagmumulan ito ng butas o mga punit.

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Pero ayon kay Bergh, ayaw rin naman niyang marumi ang kanyang maong.

“If I drop some curry on my jeans, I’m gonna clean it. But I’ll spot clean it.

"And if they get really gross you know, if I’ve been out sweating or something and they get really gross, I’ll wash them in the shower.”

Cleaning a denim

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya, isinusuot niya ang pantalong maong habang naliligo at saka sasabunin na parang nagsasabon ng kanyang katawan.

Sinabi rin ni Bergh na sa katunayan, ang paglalaba ng jeans ay isang malaking bahagi ng carbon footprint ng isang clothing brand.

Denim production

Malaki aniya ang nakokonsumong tubig sa paggawa pa lang ng mga pantalong maong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

HYGIENE VS EPEKTO SA ENVIRONMENT

Binanggit ni Bergh na sa U.S., may mga taong nilalabhan agad ang kanilang pantalong maong pagkakatapos isuot.

Ito ay dahil sa hygiene.

Pero ayon kay Bergh, this goes beyond hygiene.

Tinukoy niya na ang paglalaba gamit ang washing machine ay kumukonsumo ng maraming tubig.

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

Washing a denim

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan

Kung bihira lang lalabhan ang mga damit—o ang pantalong maong in particular—makakatipid na sa tubig at maganda pa sa paligid, ayon na rin sa suhestiyon ng mga sustainability experts.

Ang mga synthetic clothes kasi ay nagre-release ng microplastics kapag nilalabhan at nagiging bahagi ng plastic pollution.

So dapat bang labhan ang pantalong maong o hindi?

Ani Bergh, bagaman at hindi lahat ay komportable o kuntento na hindi labhan ang kanilang paboritong pantalong maong, dapat ding ikonsiderang linisin—again, not exactly labhan—ito paminsan-minsan.

Read: Bride stood up by groom on wedding day ends up marrying father-in-law

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May "urban legend" na mas gumaganda at tumitibay ang maong na pantalon kapag hindi nilalabhan. May paliwanag dito ang CEO ng Levi's jeans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results