PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spender or Saver: Who's Happier?

Alin ka sa dalawang ito?
by KC Cordero
Published Nov 1, 2023
Photo of Philippine money
Kung pera ang batayan sa kaligayahan at kung may pera ka rin lang, alin ang mas pipiliin mo—ang maging spender o saver? (Photo courtesy of checkphilippines.com)

Pagdating sa pananalapi, may dalawang klase ng tao—isang gastador at isang matipid.

Pero sino nga ba ang mas masaya pagdating sa financial choices—ang isang palagasta, o ang isang hangga’t maaari ay ayaw maglabas ng isang sentimo?

Photo of two thinkers about spending money

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang study na isinagawa ng The New York Post sa pamamagitan ng survey sa 2,000 American shoppers, natuklasan na ang 56 percent ng mga Americans ay itinuturing ang kanilang mga sarili na "spenders."

Binibili talaga nila ang mga items na gustung-gusto nila.

Ang 34 percent naman ay itinuturing ang mga sarili na "savers."

Hindi agad sila bibili ng kanilang gusto hangga’t hindi ito naka-sale. Bibili rin lang sila ng items kung talagang kailangang-kailangan na.

Nasa 10 percent naman sa mga na-survey ang hindi masabi kung gastador sila o matipid.

Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M

SPENDERS DOBLE ANG GASTOS KUMPARA SA SAVERS

Hindi nakapagtataka na ang mga spenders ay mas malaki ang nagagastos sa mga hindi naman masyadong kailangan o non-essential items kada linggo kumpara sa mga savers.

Karaniwang nakakagastos ang isang American spender kada linggo ng US$621 (PHP 35,266.59).

Ang isang American saver naman ay gumagastos lang kada linggo ng US$348 (PHP19,762.92.)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Halos doble ang diprensya ng kanilang paggastos.

Photo of sale items

Walang binanggit sa survey kung anu-ano ang mga items na pinagkagastusan, pero posibleng sa mga pangunahing pangangailangan ito gaya ng pagkain—at mga luho sa katawan gaya ng damit, pamamasyal, pagkain sa labas, gimik at wellness.

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAS HAPPY SA LIFE ANG SPENDERS

Natuklasan din sa study na ang mga spenders ay mas masaya kumpara sa savers pagdating sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Sa pakikipagrelasyon, 78 percent ng spenders ang mas happy ang love life kumpara sa savers na mayroon lang 63 percent.

Ang spenders din ang masaya sa kanilang trabaho at may 78 percent rating, kumpara sa 57 percent na naitala ng savers.

Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K

Hindi naman sila nagkakalayo pagdating sa personal life kung saan 77 percent ang ratings ng spenders, habang 71 percent naman ang savers.

Interestingly, kahit magastos ang pamumuhay, ang 73 percent ng spenders ay happy sa kanilang financial lives kumpara sa 56 percent lang ng savers.

Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

SAVERS MAY ADVANTAGE SA FINANCIAL MANAGEMENT

Gayunpaman, ayon pa rin sa artikulo, sa pamamagitan ng pag-iipon at pag-i-invest sa hawak na pera nang maayos, maaaring ma-achieve ang financial independence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababawasan din ang paghingi ng tulong sa ibang tao o kaya ay pangungutang—sa tao man o sa mga financial institution.

Photo of money

Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display

Kung walang utang ang isang tao, gumaganda ang kalidad ng kanyang buhay at nababawasan ang stress.

Natuklasan din sa isinagawang pag-aaral na ang savers ay may advantage pagdating sa financial management dahil nasa 29 percent lang ng kanilang total annual income ang nagagamit nila sa miscellaneous purchases.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa miscellaneous purchases pa lang, ang spenders ay nakakaubos na ng 38 percent ng kanilang annual income.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

SAVERS AT SPENDERS, PAREHONG NAG-IISIP MUNA PAG BIG PURCHASE

Batay pa rin sa survey na kinomisyon ng Citizens Pay at isinagawa ng OnePoll, natuklasan sa mga respondents na 59 percent sa mga ito ang nagsabing "often" at "always" na iniisip nila ang financial impact bago magdesisyon sa isang big purchase.

Maging ang 61 percent ng spenders ay ganito ang mindset—ang pag-isipan muna ang financial impact nito.

Ibig sabihin, gastador lang sila kapag ang item na bibilhin ay hindi masyadong makakasakit sa bulsa in the long run.

Lumabas din sa isinagawang pag-aaral na ang mga spender ay mas nakararanas ng mas malawak na kaligayahan sa kanilang buhay.

Samantala, ang mga matipid naman ay mas nagiging praktikal at matalino sa paghawak ng pera, at mas naghahanda para sa posibleng mangyari bukas at sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung pera ang batayan sa kaligayahan at kung may pera ka rin lang, alin ang mas pipiliin mo—ang maging spender o saver? (Photo courtesy of checkphilippines.com)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results