Malakas ang appeal ng horror movies sa mga viewers kahit pa ito ay nakakatakot at halos takpan na nila ang kanilang mga mata habang nanood.
Makapanindig-balahibo man, kakila-kilabot ang paligid, o tungkol sa mga kababalaghan at psychological realms, ang ganitong genre ay naghahatid ng iba’t ibang uri ng karanasan.
Para sa isang neuropsychologist at isang data analyst, maganda ang epekto nito sa isang indibidwal.
Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date
BENEFITS OF WATCHING HORROR MOVIES
Mas gumagaan umano ang pakiramdam ng isang tao kapag nakapag-release ng natural feel-good chemicals sa utak gaya ng endorphins at dopamine.
Ang mga chemicals na ito ay nakakatulong na mapababa ang stress at mabawasan ang nararamdamang sakit.
Natuklasan umano ito ng mga researchers, ayon kay Dr. Kristen Knowles, isang neuropsychologist asat Queen Margaret University sa Edinburgh, Scotland.
Aniya, "Distraction from pain is also a likely explanation, since attention and energy resources are diverted towards threat evaluation and away from other bodily functions."
Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display
HORROR: MALAYO SA REYALIDAD
Ibinahagi naman ni Brian Bisesi, isang data analyst na naninirahan sa Minneapolis, U.S.A., na bukod sa nakakatanggal ng stress, isang pagtakas din sa reyalidad ng buhay ang panonood ng horror movies.
"For sure, if I was stressed out or anxious, I would be more likely to watch a horror film than any other kind of film. I'm not sure why, but it does relieve the tension.”
Paliwanag pa ni Brian, “I don't want to see a movie about the anxieties of day-to-day life; I want to watch a movie about a ghost or a killer on the loose, because that seems so far from my reality."
Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi
Ikinuwento niya na sa kasalukuyan, ang pinakamalaking challenge sa buhay niya ay ang pagiging ama ng kanyang anak.
“It's really stressful but watching horror movies really puts my problems into perspective, so I can say, 'Okay, nobody tried to murder me today; I didn't get possessed by a demon today.'
"It sounds silly, but I do feel more grateful for my own life after I watch a horror movie."
Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item
MAHIHILIG SA HORROR MOVIES, MAS MATATAG NOONG PANAHON NG PANDEMIC
Idinagdag naman ni Dr. Knowles na may mga pag-aaral na ang mga horror fans ay "more psychologically resilient in the face of COVID-19."
Aniya, ipinahiwatig ng mga researchers na bunga ito ng kanilang madalas na exposure sa "emotional exercise" ng artificial threats.
"Watching horror films gives us a safe way to explore a very intense emotional experience.”
Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Ang response aniya ng isipan ng tao sa pinapanood na pelikulang naghahatid ng takot at suspense ay ang mabilis na paglabas ng stress hormones, gaya ng adrenaline, na nagpapagalaw naman sa energy resources ng katawan.
Katuwang pa nito ang pinabilis na tibok ng puso at focused attention.
“This can all feel rather exhilarating when that tension is released at the end of the film."
Read: Ang kamangha-manghang Pandawa Beach Road sa Bali
MAS LIGTAS NA THRILLING ACTIVITY
Ipinaliwag din ni Dr. Knowles na ang panonood ng horror movies ay nakakapagpagaan ng pakiramdam dahil ligtas itong gawin at thrilling.
Samantala, ang ibang aktibidad gaya ng skydiving ay nakakatakot din at euphoric, pero hindi nakakatiyak kung one-hundred-percent safe.

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral
“One theory about why some people enjoy being frightened proposes that the film format makes it possible to safely play with negative emotions."
Aniya, sa horror films, ang objects of fear ay discrete at mas simple kumpara sa totoong buhay.
“Through this safe interaction, we can learn to cope with negative emotions and develop resilience to fear and stress."
