Mahalagang bahagi ang kanin bilang pagkain sa mga bansa sa Asia, kabilang na ang Pilipinas.
Ayon sa Rice Association, sa kabuuan, ay may mahigit 40,000 rice variations.
Sa mga nakalipas na taon, pinapalaganap ng modern-day diet culture ang idea na ang brown rice ay mas healthy na kainin kumpara sa white rice.
Gaano ito katotoo?
Silipin natin ang mga paghahambing.
Ang brown rice ay whole grain. Kapag tinanggal ang balat nito sa kiskisan (milling) ng palay, naiiwan pa rin ang bran at ang germ.
Samantala, kapag kiniskis ang white rice, tanggal ang bran at ang germ nito kaya kulay puti.

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority
Dahil sa matigas na bran outer layer, mas matagal lutuin ang brown rice at mas malagkit nguyain.
Mas marami ring nutrients ang brown rice dahil sa taglay na bran at germ.
Mas kokonti naman ang nutrients ng white rice.
Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M
BAKIT SINASABING HEALTHIER FOOD ANG BROWN RICE?
Generally accepted sa buong mundo na ang whole grain ay mas pinapaboran na kainin kumpara sa refined grain.
Whole grain ang ginagamit sa paggawa ng tinapay at cereals.
At dahil ang brown rice ay kinukonsidera na whole grain, mas healthy raw itong kainin.
Buo rin ang bran nito kaya mas mataas ang taglay na fiber, vitamins, at minerals.
Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren
Batay rin sa mga research, mas mabagal matunaw sa tiyan ang brown rice kumpara sa white rice, na may positive impact sa blood sugar stability.
Bagaman at may bahagyang lamang ang brown rice sa white rice, hindi pa rin masasabi na mas lamang ito sa pagdating sa pangkalahatang aspeto ng kalusugan.
Naririto ang mga dahilan:
FIBER
On average, mayroon lang isang gram ng fiber ang isang cup ng brown rice, habang wala naman ang white rice.
Ang rekomendado na daily fiber intake ay dapat na nasa 25 grams.
Hindi rin ito maibibigay ng brown rice dahil hindi naman kayang kumain ng tao ng 25 cups of rice sa isang araw.
EPEKTO NG PHYTIC ACID
Mas maraming taglay na magnesium, iron, selenium, and zinc ang brown rice, pero hindi ito na-a-absorb lahat ng katawan ng tao.
Mataas kasi ang “phytic acid” ng brown rice kumpara sa white rice.
Ito ay isang carbohydrate molecule na may antioxidant benefits, pero tinutunaw nito ang mga minerals, gaya ng zinc at iron.
Kaya kahit maraming minerals ang brown rice, hindi ito tuluyang na-a-absorb ng katawan ng tao dahil sa phytic-acid content.
Ang mga mineral ay maaari rin namang makuha sa pamamagitan ng pagkain ng prutas, gulay, karne at seafood.
BLOOD SUGAR
Ang brown rice ay mas mabagal matunaw sa tiyan, kaya hindi ito nagiging dahilan ng pagtaas ng blood sugarpagkakain.
Mabilis namang matunaw ang white rice kaya posibleng magpataas ng blood sugar level.

Gayunpaman, hindi naman kanin lang ang kinakain natin. Kadalasang may kasabay itong ulam.
Kapag ang kanin—kahit pa white rice—ay may kasabay na protein, healthy fats, and fiber, mas maganda ang pagresponde ng blood sugar kumpara sa kung ang kinain ay carbohydrates lang.
Read: Meet Vivian Xue Rahey, fake-nail artist whose works fetch as much as USD2,400 or PHP136K
PERSONAL PREFERENCE PAGDATING SA RICE
Ang pagkain ng brown o white rice ay laging depende sa personal preference ng isang tao.
Kung gusto ng iba ng brown rice dahil itinuturing itong mas healthy, walang problema.
Kung mas gusto ang white rice, kailangan lang na may kasabay itong pagkain na sagana sa protein, healthy fat, at gulay na mayaman sa fiber para mapabagal ang pagtunas sa mga kinain, at hindi maging dahilan ng pagtaas ng blood sugar level.
Sa reyalidad, hindi settled ang issue na mas healthy ang pagkain ng brown rice kumpara sa white rice.
Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date
Ang paglalagay ng label sa white rice bilang “bad food” ay nagpapalaganap lang sa idea na ang healthy food ay dapat na akma sa standard Western mold.
Napakaraming kultura sa buong mundo, tulad ng Pilipinas, ang kumakain ng white rice sa loob na ng ilang siglo, at dapat iyong kilalanin at irespeto.
Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa
Ikinukonsidera rin ang presyo sa pagitan ng brown rice at white rice.
Ang kada kilo ng brown rice depende sa klase ay nagsisimula sa PHP113.
Samantala, ang pinakamurang white rice na regular milled ay PHP41 ang kilo, habang PHP45 naman ang well- milled.
Ayon sa Department of Agriculture, hindi pa tiyak kung maipatutupad ang campaign promise ni President Ferdinand Marcos Jr. na gawing PHP20 per kilo ang white rice.
