Ang bagong biling damit ay dapat munang labhan bago isuot.
Ayon sa mga eksperto, nakaka-shock ang duming taglay nito.
Ipinaliwanag ni Kim Romine, isang Ohio-based scientist, ang “gross reality” ng mga bagong damit mula sa mga tindahan na isinukat muna ng ibang customers bago nabili ng customers.
Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

Read: Pamamaril sa loob ng bus, nagdulot ng takot sa mga netizens
Ani Kim sa artikulong nalathala sa Fox News last November 14, 2023, "The human body naturally produces body soils throughout the day."
Ang tinutukoy niyang “body soils” ay ang tinatawag naman nating “libag.”
Umaabot aniya sa 40 grams ng body soils ang napo-produce ng katawan ng tao.
Bukod pa rito, nakaka-produce din ang katawan ng tao—on average—ng isang litrong pawis, 10 grams ng natuyong skin cells, at 10 grams ng asin.
Ang mga ito ay maaaring mailipat ng mga tao na humawak o nagsukat ng mga damit sa retail stores.
May taglay rin ang mga new clothing items na “fabric finishes” na idinagdag dito habang mina-manufacture.
At bago makarating ang damit sa mga stores, dumaan ito maraming kamay at nagkaroon ng contact sa iba't ibang surfaces—mula sa mga mesa at sahig sa factory hanggang sa delivery trucks, pati na rin sa mga warehouses.
Kung sensitive ang skin o may allergy, dapat talagang labhan muna ang damit.
Read: Ex-president Rodrigo Duterte, may subpoena dahil sa diumano'y "death threat" niya sa kongresista

Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na
Sinabi naman ni Marilee Nelson, materials specialist and environmental and healthy home consultant at co-founder ng isang non-toxic cleaning brand sa Minneapolis, Minnesota, USA, bagaman at ang mga bagong biling damit ay ready to wear, ang mga yari mula sa synthetic materials ay may taglay na harmful volatile organic compounds (VOCs) mula sa disperse dyes, formaldehyde, at fabric treatments.
Paliwanag ni Marilee, "Fabrics also pick up cross-contamination from the manufacturing process, storage, shipping, and the stores where they are showcased.
“Washing before wearing reduces and removes many of these contaminants."
Isa pa aniyang dahilan kung bakit kailangang labhan ang bagong biling damit ay ang posibilidad na may dala-dala itong bacteria at iba pang pathogens, pabango, at iba pang harmful personal care products na naiwan sa garments matapos itong isukat ng ibang tao.
Read: Lotto winner ng PHP34M, naniniwalang nasa guhit ng kapalaran niya ang maging milyonarya

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors
Paalala ni Marilee, ang mga pampabango, nagmula man ito sa perfume, laundry detergent, lotion, at iba pa ay maaaring maging mapanganib sa ating kalusugan.
"These fragrances are often a complex blend of various chemicals, many of which can be endocrine—disrupting and irritating to our eyes, skin and lungs."
Dagdag pa niya, ang ibang outlets ay gumagamit ng kandila, perfumes, at iba pang pampabango sa tindahan na may epekto sa tela ng damit kahit pa walang nagsukat nito.
Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star
Ang magandang balita, ayon kay Marilee, basta nalabhan ang bagong damit bago isuot, tanggal agad ang mga taglay nitong kemikal.
Nakatutulong aniya ang ganitong proactive step, o ang paglalaba muna sa bagong damit bago isuot, para maiwasan ang allergic reactions at epekto sa kalusugan na sanhi ng pagkaka-expose ng fabric sa iba’t ibang substances at surfaces.
Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay
