PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas

Nagagamit talaga bilang martilyo
by KC Cordero
Published Nov 29, 2023
Photo of the steel banana hammer
Naging headline sa international media at nag-viral sa social media ang Ikeda matapos nitong ilunsad ang pinakaunang banana hammer na ang ginawang modelo ay ang tunay na bunga ng saging na nagmula sa Pilipinas.

Ang Iron Factory Ikeda sa Hiroshima, Japan ay hindi ordinaryong precision metal manufacturing plant.

Kilala ang kumpanya sa paglikha ng mga original na produkto na may potential na maging viral sa social media.

Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award

Sa mga nakalipas na taon ay naglunsad ito ng iba’t ibang geeky products, kabilang ang anime-inspired robot masks, figurines, at makatotohanang metallic replicas ng iba’t ibang prutas at gulay, mula sa pinya hanggang broccoli.

Pero ang pinakasikat na produkto ng Ikeda ay ang banana hammer.

Photo of the first steel banana hammer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya

Matagal na ito sa merkado, pero muling naglunsad ang kumpanya ng bagong variant—at gaya ng inaasahan ay muli itong naging viral sa social media.

Noong 2019 ay naging headline sa international media ang Ikeda dahil sa banana hammer na ang ginawang modelo ay ang tunay na bunga ng saging na nagmula sa Pilipinas.

Photo of the new steel banana hammer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

Perpekto ang molde ng kakaibang martilyo, at maganda ang kalidad ng pagkakabuo rito.

Saktong-sakto sa grip ang sukat nito at sapul na sapul ang pako.

Photo of the bigger steel banana hammer

Read: Meet Cob Mojares: First ECE board topnotcher from Cavite State University

Ang steel banana hammer ay opisyal na inilunsad noong 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May promotional video pa ito kung paano gagamitin.

Ipinagmamalaki rin ng Ikeda na ang banana hammer ay puwedeng gamitin sa extreme environments na may temperatura na hanggang sa 1,000 degrees Celsius.

Photo of the first steel banana hammer being used

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Dahil sa sobrang popular ng banana hammer, gumawa rin ang Ikeda ng mini version nito at hangro rin ito sa maliit na variety ng saging ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa puwedeng gamiting martilyo, ang mini version ay patok din sa mga customer bilang paperweight.

Photo of the mini version of steel banana hammer

Read: Babaeng doble ang uterus, nagbuntis ng kambal na magkahiwalay ng puwesto

Mabibili online ang banana hammer. Ang malaki nito ay nasa 11,877 yen (PHP 4,432.64), habang ang mini version ay nasa 3,287 yen (PHP1,218.98).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmalaki ng Ikeda sa X (formerly Twitter) na hawak nito ang pinakamalaking market share para sa banana hammers, at ito lang ang tanging kumpanya sa mundo na gumagawa ng naturang produkto.

So far, sa ginawang research ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), wala pa ngang knockoff ng steel banana hammer sa mga online stores.

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging headline sa international media at nag-viral sa social media ang Ikeda matapos nitong ilunsad ang pinakaunang banana hammer na ang ginawang modelo ay ang tunay na bunga ng saging na nagmula sa Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results