PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research

Isa na itong legit na safety problem.
by KC Cordero
Published Nov 30, 2023
Photo of selfie-taker
Kadalasan na mga babae ang nadidisgrasya o namamatay sa pagkuha ng selfie, ayon sa isang research. (Photo for illustration purpose only.)

Ang pagkuha ng “selfies” ay itinuturing na ngayon na “legitimately dangerous.”

Batay ito sa research na isinagawa ng University of New South Wales, na nagsabi ring isa itong threat sa public safety.

Ang research na gumamit ng multiple peer-reviewed studies mula sa U.S. at Australia simula noong 2011 ay inilathala sa Journal of Medical Internet Research nitong September 2023.

Tinukoy dito na ang pagkuha ng selfie sa matataas na lugar ang pinakamadalas na sanhi ng injury o pagkamatay ng selfie-taker.

Read: Ang story sa likod ng beauty influencer na napapabata ng 20 years ang sarili sa Tiktok videos

Girl taking a selfie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

Ang pagkalunod naman ang pangalawa. Sa India, karamihan ay sa dagat nadidisgrasya. Magkakagrupo naman ang mga ito.

Ayon sa lead study author na si Sam Cornell, isang research officer sa Sydney School of Public Health, University of Sydney, "I wasn’t looking at people getting injured from taking selfies on man-made structures or train lines, for instance."

Nasorpresa umano si Cornell na ang pinakamadalas na madisgrasya sa pagkuha ng selfie ay mga kabataang babae.

Karamihan sa mga ito ay turista na edad 22 anyos.

Iba-iba rin aniya ang panganib na hatid ng pagse-selfie sa bawat bansa.

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face

Ibinahagi ni Cornell na sa U.S. at Australia, nadidisgrasya o namamatay ang selfie-taker habang nag-iisa, at kadalasan ay nahuhulog ang mga ito sa matatarik na lugar.

Ilan sa mga nakahahambal na selfie-related accidents ay ang pagkahulog ng Brazilian na si Fernanda Morella, 33, sa cliff ng Kangaroo Point, Brisbane, Australia, habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The victim

Ang British tourist naman na si Madalyn Davis ay 21 anyos nang mahulog at mamatay habang nagse-selfie sa cliff ng Diamond Bay Reserve, Sydney, noong 2020.

The victim

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Ayon sa research, maiiwasan ang mga ganitong aksidente kung magkakaroon ng "public health risk communication response."

Napakaliit umano ng atensiyon na ibinibigay para maiwasan ang selfie-related incidents sa pamamagitan ng behavior change methodologies o direktang pagpapaabot ng mensahe sa netizens sa pamamagitan ng social-media apps.

Kabilang sa mga ipinanukalang risk reduction methods ang paglalagay ng "no selfie zones" na karatula at mga pisikal na harang sa mga delikadong lugar.

Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan

Bagaman at hindi kabilang sa team na gumawa ng research, sang-ayon si Dr. Marc Siegel ng NYU Langone Medical Center sa New York na ang selfie-related accidents ay isang public health crisis.

Ani Siegel, ang isyu ay hindi nagtatapos sa physical injuries o pagkamatay ng selfie-taker.

"This involves an emotional cost as well, and is an unhealthy extension of our celebrity culture and social media pressures."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga tao pang nagbibiro tungkol sa pagkadisgrasya o pagkamatay dahil sa selfie, “but I don't think you should lose your life because of a silly youthful mistake."

Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

Para maiwasan ang delikadong aksidente habang nagse-selfie, binigyang-diin ni Cornell na kailangan ang personal responsibility at pagiging aware sa paligid.

Pinuna naman niya na may isang “limitasyon” ang isinagawang research ng University of New South Wales.

Hindi aniya makita sa resulta ng imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng nasawing selfie-taker.

Ayon kay Cornell, dapat daw ibalandra ito dahil yun ang intent ng research at para mabigyan ng paalala at babala ang public.

Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kadalasan na mga babae ang nadidisgrasya o namamatay sa pagkuha ng selfie, ayon sa isang research. (Photo for illustration purpose only.)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results