PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pope Francis pinayagan na ang pagbebendisyon sa same-sex couples

Pagpapakasal sa Simbahan, bawal pa rin
by KC Cordero
Published Dec 20, 2023
Photo of Pope Francis
Bagaman at pinapayagan na ang pagbibigay ng bendisyon sa mga miyembro ng LGBTQ+, hindi pa rin pinapayagan ng Simbahan ang same-sex marriage.

Pormal nang pinahintulutan ni Pope Francis ang mga paring Katoliko na bendisyunan ang same-sex couples.

Inaprubahan ng Santo Papa ang document na "Fiducia Supplicans" ("Supplicating Trust"), subtitled "On the pastoral meaning of blessings," noong December 18, 2024.

Ang hakbang na ito ay isang malaking pagbabago sa pakikitungo ng Simbahan sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Photo of Pope Francis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper

Ang pagbebendisyon sa same-sex couples ay maaaring isagawa basta’t hindi ito bahagi ng mga regular na ritual o liturhiya ng Simbahan, gaya ng kasal, ayon sa dokumentong inaprubahan ng Santo Papa.

Nanatiling firm ang pananaw ng Simbahang Katoliko tungkol sa kasal na dapat ay "exclusive, stable and indissoluble union between a man and a woman, naturally open to conceiving children."

Saad pa ni Cardinal Victor Manuel Fernandez, isang paring Argentinian at nagsulong ng formal declaration na ito, hindi kelangang dumaan sa "exhaustive moral analysis" ang paghingi ng blessing and "should not be required to have prior moral perfection."

Bago ang deklarasyon na ito, may binendisyunang same-sex couples and Santo Papa noong October 2023.

Isang hakbang ito na bumali sa 2021 ruling mula sa Vatican doctrine office.

In the past, ipinagbabawal ito dahil hindi umano maaaring bendisyunan ng Diyos ang isang kasalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DOH: Iwasan ang maalat, mataba, at matamis na pagkain ngayong holiday season

Ayon pa kay Cardinal Fernandez, ang desisyon sa pagbebendisyon ay nakasalalay pa rin sa “prudent and fatherly discernment of ordained ministers.”

Hopefully, maging hudyat daw ito sa pagbubukas ng posibilidad na mabendisyunan ang mga “couples in irregular situations and for couples of the same sex...without officially validating their status."

Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter

MISYON NG SIMBAHAN PARA SA SAME-SEX COUPLES

Dugtong ni Fr. James Martin, isang Jesuit priest na nangangaral sa mga gay Catholics at supporter din ni Pope Francis, ang deklarasyon ay nagbukas sa non-liturgical blessings para sa same-sex couples na dati-rati ay ipinagbabawal sa lahat ng obispo, pari, at deakono.

Rainbow parade in front of Vatican

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masaya umano si Fr. Martin na mabendisyunan ang mga kilala niyang same-sex couples.

Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

Noong 2013 pa tinangka ni Pope Francis na baguhin ang pananaw ng Simbahan sa LGBTQ Catholics.

Nang tanungin siya noon ng isang reporter tungkol sa mga pari na gay, ang naging sagot niya ay sino siya para husgahan ang mga ito.

Nagpahayag din ng suporta noon si Pope Francis para sa civil recognition ng same-sex couples.

Hinikayat din niya ang Vatican na iwasan ang mga mapanakit na salita laban sa gay people.

Photo of Pope Francis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang pagsuporta sa legal recognition ng gay couples—na iba sa kasal sa Simbahan—ay taliwas sa 2003 Vatican ruling na hinahadlangan ang legal recognition ng homosexual unions.

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit

Para sa Simbahan, ang sex o pagtatalik ay maaari lang isagawa ng isang babae at isang lalaki na ikinasal.

Hindi pa rin makakapagbigay ang Simbahan ng “liturgical blessing” sa same-sex o unmarried couples dahil maaari itong magpahiwatig ng isang anyo ng moral legitimacy sa isang “union that presumes to be a marriage or to an extra-marital sexual practice.”

Hindi raw dapat malambungan ang unconditional power ng pagmamahal ng Diyos.

Read: 1000-Piso Polymer Banknote puwedeng ipambayad kahit may tupi

Ang pagiging bukas ni Pope Francis sa LGBTQ+ Catholics ay laging kinokontra ng minorya sa loob ng Simbahan.

Inaasahan na ang kanyang pagpayag na mabendisyunan ang same-sex couples ay muling kokontrahin ng grupong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagaman at pinapayagan na ang pagbibigay ng bendisyon sa mga miyembro ng LGBTQ+, hindi pa rin pinapayagan ng Simbahan ang same-sex marriage.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results