PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Islander Factory Outlet in Cebu closing down on New Year's Day

Dinagsa ang anunsiyo ng mga throwback posts ng netizens tungkol sa tsinelas.
by KC Cordero
Published Dec 27, 2023
Photo of Islander slipper
Nalungkot ang netizens sa balitang isasara na ang Islander Factory Outlet sa Cebu. Marami ang nagbalik-tanaw sa naging experience nila sa napakatibay na tsinelas na gawang Pinoy.

Napa-walk down the memory lane ang mga netizens matapos i-anunsiyo ng Islander Footwear Manufacturing Corporation na isasarado na nito ang Islander Factory Outlet sa Cebu simula January 1, 2024.

Ang Islander, isang local brand ng tsinelas na sumikat noong dekada 90, at kilala dahil sa sobrang tibay nito.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

Photo of Islander slippers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter

Sa inilabas na anunsiyo ng kumpanya noong December 26, 2023, sinabi nito na: “Islander Factory Outlet will finally close our doors and shut down on January 1, 2024.

“You still have few days left to avail the discounted price of our Final Sale.

“To all who worked with us, patronized us, shared with us, laughed, and cried with us, persevered and believed in us, our friends, colleagues, families...

“Thank you, thank you so much!”

Ayon sa management, may ilang araw pa para mag-avail ng iba pang brand ng tsinelas bukod sa Islander sa outlet nito sa Tungkop Minglanilla, Cebu.

Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper

The management's statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

Napag-alamang huminto ng operasyon ang Islander noong March 2020 matapos lumaganap ang pandemya.

"Unfortunately, try as we might, compelled by factors we cannot control, we are forced to close and not to operate again," ayon pa sa management.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil wala itong sapat na manpower para magbenta online kaya kailangang pisikal na pumunta ng mga gustong humabol sa final sale sa mismong outlet.

Maraming netizens ang nalungkot sa balita, at nagbahagi ng kanilang naging karanasan with their Islander slippers.

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak

Netizens' comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan

Kuwento ng isa, ito ang paborito niyang pambato noon kapag naglalaro ng tumbang preso. Sigurado nga namang talsik agad ang lata dahil sa kapal at bigat nito.

May nagsabi namang Islander ang una niyang gift sa mister, na naging paborito ang brand simula noon.

Biro ng isa, paborito itong nakawin ng mga kawatan ng tsinelas, kaya kailangang itago sa loob ng bahay.

Sa loob ng 40 years, isang netizen ang nagsabing hindi niya pinalitan ang Islander bilang paborito niyang tsinelas.

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

Nakatikim naman ang isa ng palo mula sa kanyang magulang gamit ang red-and-black Islander bilang pamalo.

Paborito rin itong pasalubong sa mga kamag-anak na naninirahan na abroad.

May mga nagpasalamat din sa “awesome” childhood nila dahil sa Islander—na kailangang pag-ipunan noon dahil mas mahal nang konti sa iba pang brand ng tsinelas bago nagdatingan ang mga Brazilian flip-flops.

Obviously, marami ang nagmahal sa Islander dahil sa pagiging matibay at komportable nito sa paa.

Magiging available pa naman ito sa market, ayon sa kumpanya, “but will be produced and supplied by other entities not related or connected to us.”

Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973

Naglabas din ang management ng panibagong statement ngayong December 27 dahil marami ang nag-akala na ang mismong kumpanya ang magsasara.

Ayon sa inilabas na panibagong statement: "We are aware of the post that has been going around and we’d like to confirm that Islander Philippines will not close and will continue to produce high quality slippers for the Filipinos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The recent post circulating is related to a certain outlet only and does not impact the overall Islander brand. You can still order your favorite styles through our online stores on Shopee and Lazada. You can also find them at Footsteps branches and department stores near you.

"Thank you for being with us on this journey. Exciting things lie ahead."

Read: Disenyo ng Russian-made electric car prototype, naging katatawanan sa Internet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nalungkot ang netizens sa balitang isasara na ang Islander Factory Outlet sa Cebu. Marami ang nagbalik-tanaw sa naging experience nila sa napakatibay na tsinelas na gawang Pinoy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results