PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ending Senior High Program in State, Local Colleges

Nilinaw ng DepEd na bahagi pa rin ito ng K-12 program.
by KC Cordero
Published Jan 3, 2024
Photo of CHED building
Bahagi pa rin ng K-12 program ang senior high school, tatanggalin nga lang ito sa state and local universities and colleges

In-anunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) na ititigil na ang Senior High School (SHS) Program sa mga State Universities and Colleges (SUCs), at maging sa Local Universities and Colleges (LUCs).

Batay ito sa inilabas na memorandum mula sa opisina ni CHED Chairman J. Prospero de Vera III na may petsang December 18, 2023.

Ayon kay De Vera, ang desisyon ay kaugnay ng naunang direktiba ng CHED na nakapaloob sa CMO No. 32 series of 2015, at CMO No. 33 series of 2016.

Tinukoy sa mga direktibang ito na ang papel ng SUCs at LUCs sa basic education sa senior high school ay limitado lang hanggang sa K-12 transition period.

Sakop lang nito ang mga school year 2016-2017 hanggang school year 2020-2021.

Read: PEP YEARENDER 2023: Trending Non-Celebrity Stories

Idinagdag ni De Vera na naglabas na ng notice ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Private Education Assistance Committee (PEAC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, simula sa school year 2023-2024, wala nang matatanggap na tulong ang mga benepisyaryo ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education mula sa SUCs at LUCs.

Read: PEP YEARENDER 2023: Trending Non-Celebrity Stories Part II

Gayunpaman, makatatanggap pa rin ng tulong ang mga magpapatala para sa Grade 12 sa school year 2023-2024 para makumpleto ang kanilang basic education.

Ang mga SUCs at LUCs na may laboratory schools ay maaari pa ring tumanggap ng enrollees, pero wala na silang vouchers mula sa DepEd.

Read: Inspiring story of Angelo Lozano, BS Forestry cum laude and Top 5 in board exam

Nilinaw naman ng DepEd para hindi malito ang publiko na bahagi pa rin ng K-12 program ang senior high school, tatanggalin nga lang ito sa SUCs at LUCs.

Binigyang-diin din ni De Vera na wala nang legal na basehan para pondohan pa ang SHS Program.

Alinsunod sa Republic Act No. 10533, limang taon lang na makikilahok ang SUCs at LUCs sa K-12 educational system.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natapos na ito noong school year 2020-2021, pero ipinagpatuloy hanggang school year 2022-2023 para matulungan ang mga estudyanteng naapektuhan ng pandemya.

Read: 13-year-old binatilyo, inakalang may diperensiya noon; nagtapos ng college with perfect GPA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi pa rin ng K-12 program ang senior high school, tatanggalin nga lang ito sa state and local universities and colleges
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results