PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024

1996 at 2024, pareho ring leap year.
by KC Cordero
Published Jan 8, 2024
1996 and 2024 calendars
Kung may naitago kayong 1996 calendar—suwerte kayo. Bukod sa puwede itong gamitin bilang 2024 calendar, mabenta rin ito ngayon sa online market.

Nagtatago ka ba ng lumang kalendaryo?

Malamang hindi. Madalas kasi na pagpasok ng New Year ay itinatapon na ito at pinapalitan ng bago.

Sa panahon ngayon, madalang na rin ang mga kumpanyang namimigay ng kalendaryo dahil available naman ito sa mga gadgets at sa internet.

Wala na ring pocket calendars kasi meron na sa smartphones.

Pero ang pagpasok ng 2024 ay naging maingay sa internet at naghatid ng '90s nostalgia.

Parehong-pareho kasi ang 1996 at ang 2024 calendars.

Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo

Photo of a 2024 calendar

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senior High School program sa state and local universities and colleges, ititigil na

Leap year ang 1996, ganoon din ang 2024. Ibig sabihin, 29 days ang February—na nangyayari lang every four years.

Pareho rin ang dalawang nabanggit na taon na nagsimula sa araw ng Lunes.

Dahil dito, marami ang naghalungkat sa kanilang mga lumang gamit kung may naitagong kalendaryo noong 1996.

Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023

Photo of a 1996 calendar

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Secret why fruitcakes last long

Kabilang sa pop culture moments noong 1996 na sobrang prominente sa U.S. at nagkaroon ng kalendaryo ang "Home Improvement" nina Pamela Anderson at Jonathan Taylor Thomas.

May 1996 calendar din na tampok ang cast ng Friends, na noon ay nasa ikatlong season na.

Nasa ninth season naman ang Seinfeld.

Kabilang sa blockbuster Hollywood movies noong 1996 ang Independence Day, na pinagbidahan ni Will Smith.

Ini-release din noong taon na iyon ang mga pelikula ni Tom Cruise na Mission: Impossible at Jerry Maguire kaya maraming 1996 calendars noon ang tadtad ng larawan ng aktor.

Gumanap naman si Leonardo DiCaprio sa Romeo + Juliet noong 1996, bago siya naging Jack sa Titanic noong sumunod na taon.

Ang iba pang Hollywood movies noong 1996 ay ang Twister, Space Jam, Scream, at Matilda.

Sa music, patok ang Boyz II Men at sina Whitney Houston at Celine Dion na may multiple chart-topping hits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash

Sa Pilipinas, ilan sa mga pelikulang tumabo sa takilya ay ang Mara Clara: The Movie, Magic Temple, Ang Probinsyano, Dyesebel, Kung Kaya Mo Kaya Ko Rin, Madrasta, at Hagedorn.

Sa telebisyon, nangyari ang big career move ni Kris Aquino, na lumipat mula from GMA-7 to ABS-CBN.

Ni-launch din ang youth-oriented show na Gimik sa ABS-CBN, Anna Karenina sa GMA-7, at Wow Mali sa ABC, na ngayon ay TV5 na.

Taong 1996—on March 11—ipinakilala ng RPN9 si Marimar, ang role ng Mexican superstar na si Thalia sa Marimar, na siyang nagpasikat ng Mexicanovelas sa Philippine TV.

Noong July 2022, umere sa ABS-CBN ang Maria Mercedes, na isa rin serye ni Thalia.

Naging calendar girl naman si Dindi Gallardo, na kinatawan ng Pilipinas sa 1993 Miss Universe, ng isang brand ng alak.

Photo of Dindi Gallardo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya

Samantala, hindi lang ang mga araw ang magkakatulad sa 1996 at 2024.

Ngayong 2024 gaganapin ang Olympics—na idinaos din noong 1996.

Sa Atlanta ginanap ang 1996 Olympics habang sa Paris naman isasagawa ngayong taon.

Dahil sa pagkakatulad na ito, mabenta ngayon sa online market ang old 1996 calendars.

Kaya kung suwerteng may mahalungkat kayo sa inyong tambakan ng lumang gamit, puwedeng pagkakitaan.

Payo naman ng mga hardcore collectors, huwag agad itatapon sa pagtatapos ng 2024 ang inyong kasalukuyang kalendaryo—dahil magagamit itong muli sa 2052.

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung may naitago kayong 1996 calendar—suwerte kayo. Bukod sa puwede itong gamitin bilang 2024 calendar, mabenta rin ito ngayon sa online market.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results