PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

National ID Status: Check via PHLPost Site

Alamin kung paano ang mga proseso.
by KC Cordero
Published Jan 16, 2024
Art card for national ID
Kung naiinip na kayo sa pagdating ng physical copy ng inyong National ID, maaaring i-check ang status nito.

Hindi pa rin ba dumarating ang inyong National ID o PhilID?

Kung nakumpleto ninyo ang proseso ng pagpaparehistro ng national ID, maaari ninyong i-track ang status kung kailan ninyo posibleng matanggap ang physical copy.

Read: PHLPost magsasagawa ng “plaza-type” distribution ng national IDs sa mga barangay

Heto ang mga dapat gawin:

  1. Alamin ang inyong transaction number.

Pagkatapos magrehistro para sa PhilID, huwag iwawala ang transaction slip na nagtataglay ng National ID transaction number. Ang dokumentong ito ay confidential at hindi dapat ibahagi kahit kanino o i-post sa social media.

Read: VIRAL: Netizen, "pumayat na" nang natanggap ang National ID

Sa transaction slip nakikita ang transaction number. Ito ang gagamitin para ma-track ang status ng inyong PhilID card.

  1. Magpunta sa PHLPost tracking website, o i-click ang http://tracking.phlpost.gov.ph/
  2. I-input ang inyong transaction number sa PHLPost tracking website. I-click ang “Track” para malaman ang status ng inyong PhilID card.

Kapag ang lumabas sa website ay "NOT FOUND," huwag mag-alala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Philippine Statistics Authority, kapag ang lumabas ay “NOT FOUND,” ang ibig sabihin nito ay hindi pa nadi-dispatch ng post office ang inyong card, pero hindi ito nawawala.

Read: Printed version ng electronic National ID puwede na sa passport application

Art card for national ID

Read: Paano makakuha ng ePhilID, ang printable version ng national ID?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinapaalala rin ng PSA na libre ang delivery ng PhilID card.

Para naman sa iba pang katanungan tungkol sa PhilID card, mag-email sa: info@philsys.gov.ph o tumawag sa PhilSys hotline 1388.

Read: National ID, may 3 formats: printed, downloadable, at mobile

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung naiinip na kayo sa pagdating ng physical copy ng inyong National ID, maaaring i-check ang status nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results