PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sari-sari Store & Karinderya in Marikina: Tax & Fee Exempt

Para sa PHP10K lang ang puhunan, at hindi nagbebenta ng alak o sigarilyo
by KC Cordero
Published Jan 17, 2024
Photo of sari-sari store and karinderya
Sakop ng exemptions ang mga sari-sari store at karinderya na may start-up capital na hindi hihigit sa PHP10,000 o may annual gross receipt na hindi lalampas sa PHP180,000. Dapat ding ang mga ito ay hindi nagbebenta ng alak o sigarilyo.

Inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina noong January 16, 2024 na ang mga maliliit na sari-sari store at mga kainan o karinderya ay exempted sa pagbabayad ng business tax at maging ng permit fees.

Sa inilabas na pahayag ng Marikina PIO, nilagdaan ni Mayor Marcy Teodoro noong January 15 ang Ordinance No. 140 para sa mga naturang exemptions.

“The exemption period of business tax, business permit and local regulatory fees and charges shall begin January 1, 2024 to December 31, 2024,” ayon sa pahayag.

Read: Parating na ba ang National ID? I-check ang status sa PHLPost tracking website

Mayor Marcy Teodoro signing the ordinance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIP lounge for OFWs in NAIA Terminal 1 now open

Sakop ng Ordinance No. 140 ang mga sari-sari store at karinderya na may start-up capital na hindi hihigit sa PHP10,000 o may annual gross receipt na hindi lalampas sa PHP180,000.

Hindi naman kasali sa exemptions ang mga sari-sari store at karinderya na ang start-up capital ay mahigit sa PHP10,000, gayundin ang mga nagtitinda ng sigarilyo o alak kahit pa magkano ang kanilang start-up capital.

Read: Free cinematography course for college students, handog ng Mowelfund, FDCP, at CMB Films

Ang exemption ay taun-taong ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga kuwalipikadong sari-sari store at karinderya upang makabawi at makapagbigay-kaluwagan sa mga maliit na namumuhunan sa lungsod.

Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024

Isa ang Business Permit at Business Tax Exemption sa sari-sari store at karinderya sa mga prayoridad ni Mayor Teodoro noong manungkulan bilang punong lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2017 noong unang naisakatuparan ito.

Read: Complete guide to shopping for a cause with SMAC this January

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sakop ng exemptions ang mga sari-sari store at karinderya na may start-up capital na hindi hihigit sa PHP10,000 o may annual gross receipt na hindi lalampas sa PHP180,000. Dapat ding ang mga ito ay hindi nagbebenta ng alak o sigarilyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results