Inilunsad ng Samsung sa ginanap na Galaxy Unpacked event noong January 17, 2024, ang latest flagship smartphones S24 series nito na kinabibilangan ng Galaxy S24 Ultra, Galaxy S24 Plus, at Galaxy S24 base model.
Ang S24 series ay AI (artificial intelligence) powered ng Qualcomm at Google, na malaking tulong para sa users sa communications, research, notetaking, at sa pag-e-enhance ng photography.
Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?
Ang presyo ng base Galaxy S24 ay nagsisimula sa PHP53,990, habang ang Galaxy S24 Plus ay PHP68,990.
Pinakamahal ang Galaxy S24 Ultra sa presyong PHP84,990.
Ang lahat nang Galaxy S24 phones ay gumagamit ng Snapdragon 8 Gen 3 Optimized para sa Galaxy processor mula sa Qualcomm.
Mas malalaki rin ang battery nito ngayon, for longer use.
Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

Read: PCSO head on controversial photo of lotto winner: “We’re not very good at editing…”
May minor changes sa screen size ng tatlong bagong labas na smartphones kumpara sa naunang generation nito.
Ang base Galaxy S24 ay 6.2 inches na ang laki kumpara sa dating 6.1, habang ang Galaxy S24 Plus ay 6.7 inches na kumpara sa dating 6.6 inches.
Mas rectangular na rin ang edges ngayon ng base Galaxy S24 at Galaxy S24 Plus.
Hindi naman nagbago ang screen size ng Galaxy S24 Ultra na 6.8 inches, pero flat na ang edges nito ngayon at hindi na curved.
Titanium ang ginamit na material para sa body ng Galaxy S24 Ultra at hindi na aluminum.
Read: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie
Pinalitan naman ng Samsung ang second camera ng Galaxy S24 Ultra mula sa 10x optical zoom lens ng 5x optical zoom lens.
Kung titingnan ay parang downgrade ito, pero ayon sa kumpanya, karamihan sa user ng zoom camera ng Galaxy Ultra ay kumukuha ng photo nang hanggang 5x zoom range lang kumpara sa 10x range dahil mas maganda ang quality.
Bukod dito, ang zoom ranges na lampas sa 5x ay puwede namang i-enhance gamit ang AI.
Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Ipinagmamalaki rin ng Samsung ang iba pang AI features ng S24 series.
Katuwang ang Google, ini-apply ng Samsung ang "Galaxy AI" sa photo editing at maging sa search features.
Halimbawa, sa bagong "Circle to Search" function mula sa Google, ang user ay maaaring bilugan o i-highlight ang screen ng phone para i-search ang image o information.

Read: A.I. newscaster of La Union campus turns out to be human
Taglay rin ng S24 series ang typing-based AI features na nakadisenyo para matulungan ang user na magsulat “in an appropriate tone of voice,” depende kung sino ang padadalhan ng message.
Kabilang din sa bagong features sa Galaxy AI suite ang "Live Translate" function para sa two-way voice and text translations of calls in real time. Kung may tatawag na ibang lengguwahe ang gamit, maita-translate ito para maunawaan ng user.
Read: Image gawa sa AI, panalo sa international photography competition; winner, tinanggihan ang prize
Para naman sa Galaxy S24 Ultra na may kasamang S Pen, kayang magbigay ng AI ng summary ng handwritten notes ng user. Awtomatiko rin itong gagawing digital format, at itse-check kung tama ang spelling and grammar.
Inaasahan ng Samsung na dahil sa AI-powered features ng Galaxy S24 series, magkakaroon ng panibagong excitement sa smartphone market.
