PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

21 gamot sa maintenance at malulubhang sakit, exempted na sa VAT

Listahan, inilabas ng FDA
by KC Cordero
Published Feb 2, 2024
Medicine for diabetes
Malaking tulong para sa mga may maintenance na at malubhang karamdaman ang kautusan ng Bureau of Internal Revenue na tanggalin na ang value-added tax ng mga ito. Naglabas din ang Food and Drug Administration ng listahan ng mga gamot na VAT exempted.

Good news!

Sa bisa ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 na may petsang January 26, 2024, tinanggal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Value Added Tax (VAT) sa mga gamot para sa mga sumusunod na karamdaman:

  1. Cancer
  2. Diabetes
  3. Hypertension
  4. Kidney disease
  5. Mental Illness

Ito ay batay na rin sa tagubilin ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Department of Health (DOH) na mga pagbabago sa VAT exempt products sa ilalim ng Republic Act (RA) 10963 o ang TRAIN Law, at ng RA 11545 o ang CREATE Act.

Read: VIRAL: Empleyadong ninakawan na nga ng baon, na-HR pa!

Photo of BIR memorandum

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Ayon sa BIR, ang agarang pagpapabisa ng mga update na ito ay patunay ng dedikasyon ng ahensya na makapagbigay ng “Excellent Taxpayers Service” para makatulong sa mga Pilipino na lumalaban sa mga sakit na ito.

“Ito pong 21 na gamot na tinanggalan ng VAT ay simula pa lamang ng mga serbisyong aming ibibigay ngayong 2024," pahayag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.

Dagdag pa niya, "Ito ang handog ng BIR sa Bagong Pilipinas, serbisyong mabilis at maasahan.”

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

Para malaman ang listahan ng mga gamot na VAT exempted, i-click ang link na ito: https://bit.ly/3SzYMNw

Ang VAT exemptions sa mga nabanggit na gamot ay malaking tulong sa mga regular na bumibili nito para sa kanilang health maintenance at pag-recover mula sa karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaking tulong para sa mga may maintenance na at malubhang karamdaman ang kautusan ng Bureau of Internal Revenue na tanggalin na ang value-added tax ng mga ito. Naglabas din ang Food and Drug Administration ng listahan ng mga gamot na VAT exempted.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results