Mula nang mag-viral ang kuwento ni Veronica Balayo tungkol sa portrait ng babae sa National Museum of Fine Arts na kamukha niya, dumami bigla ang naglabasang social-media posts tungkol sa mga taong may mga kahawig na portraits din sa iba’t ibang museums.
Si Veronica ay taga-Davao City at bumisita sa National Museum noong January 28, 2024.
Nakita niya ang portrait na kamukha niya, kinunan niya iyon ng video kasama siya, at saka ini-upload sa TikTok.
Agad nag-viral ang kanyang video, na nilagyan niya ng caption na: “Am I her reincarnation.”
Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”
Napag-alamang ang babae sa portrait ay si Belen Ocampo, ang ina ng historian at propesor ng history at humanities sa Ateneo De Manila na si Ambeth Ocampo.
Nai-share din ni Professor Ambeth ang video ni Veronica sa kanyang Facebook account.
Kamakailan ay nagkita ang dalawa sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sinabi niyang magkahawig na magkahawig nga ang kanyang ina at si Veronica.
Dito na nagsulputan ang mga posts ng mga local netizens na nagsasabing may mga kahawig din silang mga larawan na nasa museum.
Read: These netizens find look-alikes in old paintings; they all believe in reincarnation

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item
Nitong Februray 5, 2024, nag-viral din ang isang post sa Facebook group na Van gogh art.
Ang FB group na ito ay community ng fans ng Dutch painter at isa sa most popular Post-Impressionist painters na si Vincent Van Gogh.
May talakayan din sa group tungkol sa iba pang art-related topics.
Ayon sa post ng isang member ng group na si Dania Babiker, “People found themselves in the museum by accident.
“Artistic paintings that prove the proverb that says forty people are created out of likeness.”
Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame
Naglakip siya ng apat na larawan ng netizens na may kahawig na portrait sa museums.
Nagdagdag naman ang isa pang group member na si Flower Moon ng 12 photos ng netizens na pawang kuha rin sa mga portraits sa iba’t ibang museums na kahawig nila.
Dahil dito, marami ang naniwala na totoong may reincarnation.
Read: Spirit questor, sinagot ang tanong na ito: Saan mapupunta ang isang tao kapag ito'y namatay?

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs
Ang reincarnation, na tinatawag ding rebirth o transmigration, ay isang philosophical or religious concept na nagsasabing ang kaluluwa o espiritu ng isang tao pagkatapos mamatay ng kanyang katawang lupa ay nagsisimula ng panibagong buhay sa isang bagong katawan—na nagiging kahawig niya.
Pero dahil ang iba’t ibang religion ay may iba-iba ring pananaw, masyadong malalim ang talakayan sa reincarnation, at hindi ito basta tumutugon lang sa pagiging magkamukha ng dalawang tao na nabuhay sa magkaibang panahon.
Sa science, ang doppelgangers o mga taong sobrang magkamukha ay nagtataglay ng magkaparehong DNA.
Read: Sarah Lahbati's mom Esther addresses DNA-test issue: “Sobrang seloso. Tapos magpapa-DNA?”

Read: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?
Batay ito sa pinakahuling research na inilathala ng Cell Reports journal noong August 24, 2022.
Para patunayan ito, gumamit ang mga researchers ng 32 pairs ng doppelgangers at kinunan ng samples ng kanilang DNA.
Gamit naman ang facial recognition software, inanalisa ng mga scientists ang headshots ng mga “human doubles” at itinala ang mga puntos para ma-quantify ang similarities ng kanilang mga mukha.
Ikinumpara naman ang mga scores mula sa datos na nakuha sa identical twins.
Natuklasan ng software na ang scores ng mga identical twins ay kalahati ng scores ng doppelganger pairs.
Read: Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
Para naman malaman kung ang similarities ay “more than skin deep,” pinag-aralan ng mga researchers ang DNA ng mga magkakamukha.
Nalaman nila na siyam sa bawat 16 na magkakamukha ay may common genetic variations na tinatawag na single nucleotide polymorphisms.
Ayon kay Manel Esteller, isang geneticist na kasama sa isinagawang research, “These pairs are therefore like virtual twins.”
Kaya kung makakakita kayo ng tao na kamukhang-kamukha niyo at wala na siya sa mundong ito, puwede mong isipin na reincarnation ka niya.
Pero posible ring pareho lang kayo ng DNA, at dapat din itong ikunsidera kung may makasalubong kang kahawig na kahawig mo at parang nananalamin ka lang.
Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap
