Madalas mong makita ang wallpaper na ito kung ang gamit mo ay Microsoft Windows XP sa iyong laptop or computer.
At alam mo bang itinuturing ito na “most viewed photo in history” dahil bilyun-bilyon ang views nito. Hindi naman ito kataka-taka dahil ito ang laging nakikita pagbukas ng iyong laptop.
Ito yung picture ng burol o hill na napapalibutan ng luntiang damo at kulay asul na kalangitang may mga ulap.
Tinawag itong “Bliss,” dahil obviously, mala-paraiso ang itsura ng lugar.
Trivia: Alam niyo ba na totoo ang picture na ito at halos hindi in-edit?
Read: Nag-iisang stingray sa aquarium, nabuntis; pating nga ba ang ama?

"Bliss," the most viewed picture in history
Ito ay kuha noong January 1996 ni Charles “Chuck” O’Rear, photographer ng National Geographic.
Si Charles ay 82 years old na ngayon.
Here are more details about the picture.
Ang lugar ay dating kilala sa tawag na bucolic green hills.
Makikita ito sa Los Carneros American Viticultural Area sa Wine Country ng California sa U.S., malapit sa Napa Valley.
Sa katunayan, naka-pin ito sa Google Maps.
Noong 2000, ang picture ay binili ng Microsoft mula kay Charles para gawing default wallpaper sa Windows XP ng Microsoft na ni-launch noong 2001.
Dahil sa success operating system na Windows XP all over the world sa sumunod na dekada, itinuring ang picture bilang most-viewed picture sa buong mundo.
Read: Love Springs From Deliveries: "Beauty queen" falls in love with delivery rider
HOW DOES THE “BLISS” LOOK NOW?
Kung kinunan ang picture noong 1996, ibig sabihin ay 28 years old na ito ngayon.
Ano na kaya ang itsura nito makalipas ang halos tatlong dekada?
Isang YouTuber ang bumisita sa lugar ng pinakakilalang wallpaper, at ito ang itinampok sa kanyang content noong March 2021.
Siya ay si Andrew Levitt, isang YouTube content creator na ang goal ay i-recreate ang famous landscape pictures.
Kasama ang kanyang grupo, bumibisita si Andrew sa locations ng mga tanyag na landscapes na nakunan sa photo.
Pagdating sa location, kukunan ni Andrew ang landscapes para i-recreate ito. In short, gagawa sila ng identical photo.
At ang “Bliss” nga ang napagdesisyunan nilang bisitahin noong 2021.
Ani Andrew, two-hour drive lang ang lugar mula sa kanyang tinitirhan sa California.
Nang makarating sa destination, nagulat ang grupo ni Andrew. Hindi na raw nila makilala ang lugar kung hindi pa ito naka-pin sa Google Maps.
Malaki na ang ipinagbago ng hitsura ng lugar. Wala na ang luntiang mga damo at malinis na langit.
Ang burol ay ginawa nang vineyard, at ibang-iba na ito sa itsura na larawang nakunan ni Charles noong 1996.
Read: Passenger smokes vape while midair; causes airplane alarm to go off

Sabi ni Andrew sa video: “It’s like fully unrecognizable though, especially with the vineyard. It definitely makes it harder [to recognize].
“There’s no way to catch an identical photo still for comparison.”

Mababanaag ang pagkadismaya sa boses ni Andrew.
Sabi niya, “I don’t even see it. I don’t even see the wallpaper at all. That’s pretty hilarious, wow. They don’t look the same.
“I wouldn’t use this as wallpaper that’s for sure. It’s not possible.”
Nakalulungkot na sa paglipas ng panahon, ang dating ganda ng isang lugar ay masisilayan na lamang sa mga lumang larawan nito.
