PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution

Huwag na huwag ibabad sa bigas.
by KC Cordero
Published Feb 23, 2024
Smartphone in a bag of rice
Bukod sa hindi talaga effective na ibabad sa bigas ang nabasang smartphone, may iba pang palasak na paraan na hindi dapat sundin, ayon sa Apple, ang manufacturer ng iPhone.

Kapag nabasa ang ating smartphone, ang karaniwang naririnig nating payo mula sa mga kakilala ay: “Ibabad mo sa bigas.”

May mga nagsasabing effective daw ito.

Pero para sa tech giant na Apple, ang manufacturer ng iPhone, hindi dapat ibabad sa bigas sakaling malublob sa tubig o mabasa ang smartphone.

Sa kabila umano ng popularidad ng naturang hack, ang babala ng mga tech experts noon pa man ay, “It doesn't work.”

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"

Smartphone in a bag of rice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features

Ayon sa Apple, kapag ibinabad sa bigas ang nabasang smartphone, posibleng malagyan ito ng maliliit na butil ng bigas na lalo lang makaka-damage sa device.

Sa halip, patuluin lang muna ang tubig, with the phone connector facing down, hanggang sa tuluyang matuyo.

Sa kabila ng patuloy na pagiging sophisticated ng smartphones, kapag nabasa ito ng tubig, problema pa rin ang pagpapaayos dito.

Pero ipinapayo ng Apple na iwasan na ang mga palasak na paraan.

Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

Bukod sa pagbababad sa bigas, huwag patuyuin ang nabasang smartphone sa pamamagitan ng external heat source or compressed air gaya ng radiators at hairdryers.

Huwag ding papasukan ang loob nito ng foreign objects, gaya cotton swab o tissue paper.

Read: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

Wiping a smartphone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Ang pinakamainam daw na gawin ay patuyuin muna ito sa area na may maayos na sirkulasyon ng hangin bago muling ikabit sa charger.

Take note: ang nabasang smartphone ay puwedeng pagmulan ng sunog kapag nag-charge kaya make sure na tuyo ito bago i-plug sa outlet.

At para mas lalong makasiguro na walang sira ang smartphone, dalhin na lang sa service center lalo na kung sakop pa ito ng warranty.

Read: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M

Ayon pa sa website na MacWorld, dahil sa mga innovations sa smartphones, hindi na dapat kailangan ang pagbababad sa bigas, paggamit ng hairdryers, cotton swab at tissue paper kapag nabasa ang unit.

Karamihan umano sa mga smartphones ngayon ay hindi basta-basta masisira kahit mabasa.

Ang mga modelong iPhone 12 pataas ay puwedeng malubog sa tubig na may lalim na anim na metro sa loob ng kalahating oras nang hindi masisira.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Smartphone technician

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa hindi talaga effective na ibabad sa bigas ang nabasang smartphone, may iba pang palasak na paraan na hindi dapat sundin, ayon sa Apple, ang manufacturer ng iPhone.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results