Puwede nang magmay-ari ng semi-automatic rifles ang mga sibilyan, hayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, Lunes, March 4, 2024.
Sinabi ni Fajardo na nagsagawa ang ahensiya ng minor amendments sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“Sa ngayon po, yung mga private citizens na nagmamay-ari ng riple [rifle], particularly yung 7.62 pababa, at yung kanilang mga baril po ay mayroon pong classification po ng semi-automatic, ay puwede na pong palisensiyahan ng sibilyan,” ani Fajardo sa press briefing ulat ng GMA Interactive News.
Read: Content creators respond to Benny Blanco’s harsh review of Pinoy food
Binanggit ulit ni Fajardo ang mga requirements: (1) rifle na ang classification ay M14 pababa (2) hindi automatic.
Dati kasi ay limitado lamang ang mga sibilyang pinapayagang magmay-ari ng ganitong rifles.
Isinumite na ang amendments sa University of the Philippines Law Center para sa publication, at maari nang isakatuparan makalipas ang 15 days.
