Isa ang Apple Inc. sa pinakasikat na brand sa buong mundo kaya sikat din ang iconic logo nito: Mansanas na may kagat.
Pero bakit nga ba may kagat ang mansanas sa logo?
Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976
Mraming rumors ang naglabasan tungkol sa disenyo ng Apple logo.
Pero ang tunay na rason ay ikinasorpresa ng maraming social-media users.
Ayon sa Logo Archive's Logo Histories website, year 1977 nang magsimula ang Apple na mapasok ang computer technology market.
Ang original logo nito ay may larawan ni Sir Isaac Newton na nakaupo sa ilalim ng puno ng mansanas.
(Matatandaang si Newton ang nasa likod ng gravitational theory matapos niyang maobserbahan noong 1660s ang pagkahulog ng mansanas pababa.)
Ang unang logo ng Apple ay idinisenyo ni Ronald Wayne, isa sa mga unang partner ni Steve Jobs.
Iginuhit ang lumang logo gamit ang pen and ink.
Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Pero ang etched illustrative style ng logo ay masyadong complicated para ilagay sa bawat gilid ng computer, kaya humingi ang isa sa mga founders nito na si Steve Jobs ng tulong sa isang agency para magdisenyo ng simpleng logo.
Pumasok sa eksena ang graphic designer na si Rob Janoff, na binigyan ni Steve Jobs ng simpleng instruction: “Don’t make it cute.”
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
Nag-focus si Rob sa image ng apple sa halip na typography.
Noong time na iyon ay karaniwang typography ang ginagamit ng ibang kumpanya sa paggawa ng kanilang logo.
Ang ginawa ni Rob na disenyo ay silhouette ng mansanas na may isang dahon sa ibabaw.
Sobrang simple at alam kaagad na isa itong apple.
Aprubado ito kay Steve Jobs.
Read: Lumang tsinelas ni Steve Jobs, nabenta sa presyong PHP12 million
Gayunpaman, napagkakamalang cherry ang mansanas, kaya ang ginawa ni Rob ay nilagyan ng kagat ang mansanas.
Sa simpleng engancement na ito, mas malinaw na ang brand ay Apple at ang prutas ay mansanas.
Read: Para hindi ma-pirate ng Facebook? Apple nagbigay ng US$180K (PHP9-M) bonus sa key employees

Read: Agriculture student, matagumpay sa pagtatanim ng mansanas sa Davao Del Sur
Dinagdagan din ng colored stripes bilang reference na kayang mag-display ng Apple computers ng color images.
Ang disenyong ito ng Apple logo ang ginamit ng kumpanya simula noong dekada 80.
Ang rainbow color scheme ay tinanggal na noong 1999, at sinundan ng aqua at glass logos.
Sa ngayon, ang kasalukuyang logo ng Apple ay alinman sa plain white or black.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
Pinili ni Steve Jobs ang Apple bilang pangalan ng kumpanya matapos niyang bumisita sa isang orchard habang siya ay nasa fruitarian diet.
Kabilang naman sa mga naging myths tungkol sa kagat sa Apple logo ang pag-aakala na isa lang itong play on words sa “byte," na ayon sa britannica.com, ay "basic unit of information in computer storage and processing."
Iniuugnay rin ito sa pagkagat ni Adan sa mansanas ni Eva bilang reference sa biblical story.
Nang tanungin si Rob tungkol sa “byte rumors,” sinabi niyang ang wordplay ay hindi niya sinasadya.
Wala aniyang kinalaman iyon sa kanyang ginawang disenyo para sa Apple logo.
“It’s just a small, happy coincidence.”
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
