PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The correct way to hang toilet paper roll, according to experts

Believe it or not, may correct way talaga!
by KC Cordero
Published Mar 18, 2024

Isa sa matagal nang pinagtatalunan ay kung paano isasabit ang toilet paper roll.

Ang "over or under" question ay nakaapekto na sa maraming mag-asawa at magkakasama sa bahay.

Para rin itong tanong sa kung alin ang nauna sa manok at itlog.

Pero alam mo bang may “correct” na paraan ng pagsabit ng toilet paper?

Ayon ito sa mga health experts, at sa mismong tao na nakaimbento ng toilet paper roll.

Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue

ANG “OVER” AT “UNDER” NA PAGKAKASABIT NG TOILET PAPER

Para higit na maging malinaw ang talakayan, sa mga larawan sa ibaba ay makikita ang toilet paper roll na nakasabit nang “over” at “under.”

Over position of toilet paper roll

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Under position of toilet paper roll

Ngayon, alin ang tama sa palagay mo?

Ayon sa health experts, ito ay ang “over.”

Paliwanag ni Dr. Christian Moro, associate professor ng health sciences and medicine sa Bond University ng Gold Coast, Australia kung bakit, "One key to maintaining a hygienic washroom is minimizing contact between people and surfaces.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Depending on the type of roll holder, hanging the toilet paper ‘over’ often lowers the chance that a user will touch the wall behind when fishing for paper, leaving germs behind on that surface which can be spread to the next user."

Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs

Kung “under” ang pagkakasabit ng toilet paper, may pagkakataong kailangan mo pang hagilapin kung nasaan ang dulo.

Minsan ay napapakiskis pa ang mga daliri mo sa wall ng CR para lang mahawakan ang dulo ng toilet paper.

Dagdag pa rito, kung may nauna nang gumamit ng CR at ganito rin ang naging sistema sa paghagilap sa dulo ng toilet paper, tapos may “something” na sa kamay nito na posibleng napakiskis sa wall, mapapalipat ang dumi at iba pang bacteria.

Noong lumaganap ang pandemya ay mas naging aware tayo sa paglilinis ng ating mga kamay.

Bukod sa tissue paper pagkakatapos mag-CR, nagsasabon pa o kaya ay gumagamit ng alcohol. Pero sa ngayon, posibleng nakalimutan na iyon at nagre-rely na lang ang iba sa toilet paper pagkatapos tawagin ng kalikasan lalo na kung nagmamadali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Man dead for 50 minutes, under coma for 5 weeks; gets second chance at life

IWASANG HUMAWAK SA ANUMANG SURFACE SA CR

Batay naman sa pag-aaral na isinagawa ng University of Colorado, huwag na huwag hahawak sa anumang surface ng comfort room.

Sa study kung saan gumamit ang mga researchers ng high-tech genetic sequencing tool, sa 12 public restrooms sa Colorado—anim sa panlalaki at anim din sa pambabae—ay nadiskubre ang 19 na grupo ng mga bacteria sa pinto, sahig, pihitan ng gripo, soap dispensers, at inidoro.

Karamihan sa bacteria strains na natukoy ay maaaring mai-transmit kung mahahawakan ang mga nabanggit na contaminated surfaces.

Read: Here's the story behind bitten apple logo of Apple

Ang pinaka-common na bacteria na natatagpuan sa comfort room ay ang e.coli, na nagiging sanhi ng food poisoning at pagkasira ng tiyan.

Kung mararanasan mo ang ganitong sakit, posibleng ang bacteria ay nakuha mo sa comfort room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya importante na ang toilet paper roll ay naka-hang nang tama o over para makaiwas na ma-touch ang surfaces na posibleng may bacteria.

Read: Diabetic at sakitin na lolo ayaw ng tubig; softdrinks lang ang iniinom sa loob ng 50 years

DISENYO SA PATENT, TALAGANG “OVER” ANG TAMA

Pero bago pa man ang opinyon ng mga health experts, talagang over dapat ang pagkakasabit nito batay sa disenyo ng inventor nito na si Seth Wheeler.

Ang toilet paper roll ay naikuha ni Wheeler ng patent noong 1891.

Makikita sa patent ang tamang pagkakasabit ng toilet paper roll.

Bagaman at mali ang mga gustong “under” ang pagkakasabit nito, may isang advantage ang ganitong posisyon lalo na sa bathroom sa bahay.

Mas gustong hilahin ng pusa ang tissue paper roll na over ang pagkakasabit.

Cat playing toilet paper roll

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kasi mabilis bumagsak kaya may sa thrill sa kanila kapag pinaglalaruan ito.

Hindi gaya sa under na konting hila lang, malaking bahagi agad ng rolyo ang bumabagsak. Walang thrill ito para sa pusa.

But, anyway, ang pinakaimportante ay ang masunod ang purpose ng inventor nito—na suportado naman ng mga health experts.

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home

ANG HISTORY NG TOILET PAPER ROLL

Ang orihinal na idea para sa perforated toilet paper na naikuha ni Wheeler ng patent noong 1871 ay may patent number na US117355A.

Naibigay kay Wheeler ang credit sa kanyang invention, at pagkaraan ay ini-assign ang rights to the patent sa Albany Perforated Wrapping Paper Company.

Gayunpaman, ang roll style toilet paper na ginagamit natin ngayon ay sumailalim sa re-patented innovation mula sa orihinal na disenyo.

Patent of toilet paper roll

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabigyan ito ng patent noong September 15, 1891 at may patent number na US456516A, kung saan muling ipinagkaloob ang credit kay Wheeler, at ang rights to the patent sa Albany Perforated Wrapping Paper Company.

Panibagong improvement ang isinumite ni Wheeler sa patent office at inaprubahan noong December 22, 1891, at nabigyan ng patent number na US465588A.

Patent of toilet paper roll

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa improved patent ni Wheeler para sa toilet paper, isinalarawan niya ang idea ng perforated toilet paper on a roll.

Ang pagkaka-describe niya sa patent, ang sheets ng tissue paper roll ay “partially separated, having their points of attachment arranged in a novel manner, whereby each sheet will easily "separate from the series as it is drawn from the roll, there being no litter occasioned, and any wast’ of paper is thereby prevented.”

Ipinaliwanag din ni Wheeler ang kanyang konsepto sa pamamagitan ng illustrations, at kung paano ito gagamitin.

Sa illustrations ay makikita ang “a view of [the] improved roll suspended on the simplest form of fixture.”

Read: Lady buys laptop from online seller; receives package but "kahoy yung laman"

Bagaman at hindi na-describe ni Wheeler “verbally” kung ano ang intended direction ng toilet paper roll batay sa lengguwahe ng patent, ang mga images ng patent ang siyang nag-fill in the blanks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito rin ang dahilan kung bakit sa patent application ay kailangan ang sobrang detalyadong illustrations na nagpapakita sa invention, para kung hindi man nabanggit sa wordings ay kitang-kita naman sa drawings.

Sabi nga, a picture paints a thousand words.

Read: Actor earns more than PHP500K monthly from acting out as beggar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung inaakala mong puwedeng isabit ang toilet paper roll sa kahit anong posisyon, nagkakamali ka. May tamang paraan kung paano, at dapat mong malaman kung bakit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results