Wala ng knife o blade ang bagong modelo na ilalabas ng Swiss Army Knife.
Tugon ito ng Victorinox, ang kumpanyang nagpo-produce ng more than century-old fold-up tool, sa malawakang pagbabawal sa pagdadala ng patalim sa iba't ibang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Victorinox Chief Executive Officer Carl Elsener noong May 6, 2024, "We are concerned about the increasing regulation of knives due to the violence in the world."
Binanggit din niya na sa mga batas sa United Kingdom at mga bansa sa Asia, pinapayagan lang ang pagdadala ng Swiss Army Knife kung gagamitin sa trabaho o sa outdoor activities.
Ipinagbabawal din ng mga airline companies sa buong mundo ang pagdadala ng mga pasahero ng Swiss Army Knife sa handcarry bag.
"In some markets, the blade creates an image of a weapon," ayon pa kay Elsener.

Noong December 2023, isang lalaki ang hinuli at pinagmulta sa Osaka, Japan, dahil sa Victorinox knife, na ayon sa mga pulis ay "dangerous object."
Sa Switzerland, ang panukalang minor revision sa weapons ordinance noong 2016 ay nagbigay ng pangamba sa isang miyembro ng parliament—at nagsabing baka nga dumating ang time na ang famous Swiss Army Knife ay tuluyan nang ipagbawal sa buong mundo.
Pag-amin naman ng Victorinox, “The increasing regulation of knives in various countries represents a major challenge for the company.”
WHAT TO EXPECT FROM SWISS ARMY KNIFE"S NEW MODEL?
Binigyang-diin ng kumpanya na kahit maglalabas ito ng bagong modelo ay hindi nito papalitan ang existing line-up ng mga orihinal na produkto na kulay red.
Bukod sa blade, mayroon itong bottle opener, can opener file, screwdriver, toothpick, scissors, at corkscrew.
May USB drive pa nga ang ibang modelo.
Read: Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up
Hindi pa inaanunsyo ang time frame kung kailan ilalabas ang Swiss Army Knife na walang blade.
Ang sigurado, ang bagong multi-tool devices ay mananatiling tapat sa layunin nitong tulungan ang tao “to be best prepared through smart and masterful solutions for any life situation."
Magdadagdag din daw ng tools para sa mga cyclists.
Ang Swiss Army knife ay na-develop at naikuha ng patent ni Karl Elsener noong 1897.
Si Karl ang great-grandfather ng kasalukuyang CEO ng kumpanya.
WHY SWISS ARMY KNIFE IS FAMOUS?
Unang sumikat ito noong iuwi ito ng mga sundalong Amerikano bilang souvenirs pagkatapos ng World War II.
Nagsimulang gumawa ang kumpanya ng Swiss Army Knife sa Switzerland simula pa noong 1897.

Ang Victorinox din ang nagsu-supply ng iba pang gadgets gaya ng military watches sa armed forces ng Switzerland at maging sa National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Halos 80 percent ng Swiss-produced knives and watches ay ine-export ng Victorinox sa buong mundo.
May clothing, travel gear, and cutlery lines din ang company.
Read: VIRAL: Dad carrying large dog instead of kid
“NEVER LEAVE THE PLANET WITHOUT SWISS ARMY KNIFE”
Through the years, malaking tulong ito lalo na sa outdoor activities, gaya ng camping, picnic, at excursions.
Sa isang kutsilyo kasi ay naroon na halos ang lahat nang kakailanganing tools.
Noong November 1995, napasuong ang astronaut na si Chris Hadfield sa isang delikadong sitwasyon.
Makalipas ang tatlong araw na paglalakbay sa kalawakan, ang space shuttle na Atlantis ay lumapag na sa Russian space station na Mir.
Sabik na sabik na sina Chris at ang kanyang mga kapwa crew na simulan ang tatlong araw nilang misyon na i-upgrade ang space station.
Pero may isang problema—ayaw bumukas ng pinto ng space station.
Kinailangang maging maingat ni Chris. Nakaposisyon sila nang halos 200 miles sa ibabaw ng mundo.
Kung mabuksan nila ang pinto, pero hindi maisasara nang maayos, ma-e-expose sila sa cold, hard vacuum of space.
Anumang maliit na pagkakamali ay magiging mitsa ng kanilang kamatayan, at pagkasira ng equipment na nagkakahalaga ng US$4.2 billion space station.
Ayon sa bahagi ng sinulat ni Chris sa kanyang aklat na An Astronaut's Guide To Life On Earth, “So I did the true space-age thing: I broke into the Mir using a Swiss Army Knife.
“Never leave the planet without one.”
