Nito lamang July 13, 2024, ibinahagi ng Land Transporation Office (LTO) sa website nito ang “AksyON THE SPOT bilang tugon sa mabilisang pagkakaroon ng plastic driver’s license.
Sa pangunguna nina Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista at Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II, sa wakas ay naresolba na ng LTO ang milyon-milyong backlogs na nagresulta sa pag-iisyu ng paper-printed driver’s license.
Batay sa datos ng LTO, tanging 5% lamang ng mga apektado ng backlog ang hindi pa nakakakuha ng kanilang mga plastic-printed driver’s license.
Dahil dito, nanawagan si Assec. Mendoza sa mga motorista na kunin na ang kanilang mga lisensiya.
Binigyang-diin niya na hindi na dapat paper-printed driver’s license ang hawak nila dahil tapos na ang problema sa backlogs.
Aniya, “We already downloaded sufficient supply of plastic cards down to the licensing offices across the country. Kaya dapat lahat ay may plastic-printed driver’s license na dahil wala na pong backlog dito.”
Read: Valedictorian confesses love for crush in graduation speech

PLASTIC DRIVER’S LICENSE IN JUST THREE STEPS
Ang mga paper-printed driver’s license holder ay maaari nang mag-“order” ngayon ng plastic version sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO) AksyON THE SPOT hotline sa Viber.
Here’s how:
Step 1: Kumuha ng larawan ng hawak ng license.
Dapat malinaw ang litrato ng iyong paper-printed driver’s license.
Mas mainam kung gagamit ng scanner para sa mas mataas na kalidad.
Step 2: Ipadala sa LTO.
Ipadala ang litrato sa AksyON THE SPOT hotline sa 0929-292-0865 gamit ang Viber messaging app.
Step 3: Kunin ang lisensiya.
Kapag naproseso na ang request, ipi-print ng LTO ang plastic license sa LTO Central Office sa East Avenue sa Quezon City.
Maaari mong piliing kunin ito nang personal o ipa-deliver sa pamamagitan ng accredited courier service.
Habang naghihintay sa claiming schedule, gamitin muna ang electronic driver’s license (eDL) sa pamamagitan ng Land Transportation Management Systems (LTMS) portal bilang alternatibo sa pisikal na kopya.
Read: South Korean athlete victimized by pickpockets in BGC; BGC reacts
Ayon sa LTO Memorandum Circular No. HAV-2023-2410, ang mga eDL holder ay magkakaroon ng parehong pribilehiyo na ibinibigay sa mga may hawak ng physical driver’s license.
Overall, ang AksyON THE SPOT hotline ay hindi lamang para sa pag-order ng plastic na lisensya.
Inilunsad din ito bilang paraan para sa mga mamamayan na i-report ang mga abusadong motorista sa pamamagitan ng SMS.